Mga Kawikaan 31:10-20
Mga Kawikaan 31:10-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya. Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan. Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana. Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw. Sa kanya'y mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi'y makikitang nagtitiyaga. Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit. Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad.
Mga Kawikaan 31:10-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya. Kabutihan at hindi kasamaan ang ginagawa niya sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay. Masigasig siyang humahabi ng mga telang linen at lana. Tulad siya ng barko ng mga mangangalakal; nagdadala siya ng mga pagkain kahit galing pa siya sa malayong lugar. Maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya, at upang sabihan ang mga babaeng katulong ng mga dapat nilang gawin. Marunong siyang pumili ng lupa na kanyang bibilhin. At mula sa kanyang sariling ipon, pinapataniman niya ito ng ubas. Malakas, masipag at mabilis siyang gumawa. Magaling siyang magnegosyo, at matiyagang nagtatrabaho hanggang gabi. Siya rin ang gumagawa ng mga tela upang gawing damit. Matulungin siya sa mahihirap at mga nangangailangan.
Mga Kawikaan 31:10-20 Ang Biblia (TLAB)
Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig. Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi. Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan.
Mga Kawikaan 31:10-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya. Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan. Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana. Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw. Sa kanya'y mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi'y makikitang nagtitiyaga. Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit. Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad.
Mga Kawikaan 31:10-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, At siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan Lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, At gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; Nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, At nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, At ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: Sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, At nagpapalakas ng kaniyang mga bisig. Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: Ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi. Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, At ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan.