Mga Kawikaan 3:4-6
Mga Kawikaan 3:4-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Mga Kawikaan 3:4-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao. Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Mga Kawikaan 3:4-6 Ang Biblia (TLAB)
Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
Mga Kawikaan 3:4-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Mga Kawikaan 3:4-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, Sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, At kaniyang ituturo ang iyong mga landas.