Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 3:1-35

Mga Kawikaan 3:1-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim; upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan. Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin. Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan. Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag, mawawala ang pighati, gagaling ang iyong sugat. Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan, at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan. Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan. Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan. Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw. Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman. Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig, pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit. Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala, huwag babayaang makaalpas sa isipan at gunita. Pagkat dulot nito'y masagana at marangal na pamumuhay. At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay, sa landas mo'y hindi ka matatalisod. Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin, at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing. Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan, hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang. Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo, at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo. Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan, huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.” Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibigan na sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan, kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan. Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas. Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot. Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala. Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban. Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan, ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang.

Mga Kawikaan 3:1-35 Ang Salita ng Dios (ASND)

Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko, sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay. Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan. Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao. Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas. Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa PANGINOON, at huwag gumawa ng masama. Para iyon sa ikabubuti at ikalalakas ng iyong katawan. Parangalan mo ang PANGINOON sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani. Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan. Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng PANGINOON upang ituwid ang iyong pag-uugali. Sapagkat itinutuwid ng PANGINOON ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan. Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. Higit pa ito sa pilak at ginto, at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan. Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay. Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng PANGINOON ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan. Anak, ingatan mo ang iyong karunungan at kaalaman sa pagpapasya ng tama. Huwag mong hayaang mawala ito sa iyo. Sapagkat ito ang magbibigay sa iyo ng mahaba at magandang buhay. Mabubuhay kang ligtas sa anumang kapahamakan. Makakatulog ka nang mahimbing at walang kinakatakutan. Hindi ka dapat matakot kung biglang dumating ang mga pangyayaring nakakatakot o kung lilipulin na ang masasama, dahil makakaasa ka na babantayan ka ng PANGINOON at ilalayo sa kapahamakan. Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan. Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon. Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mo na nagtitiwala sa iyo. Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo. Huwag kang mainggit sa taong malupit o gayahin ang kanyang mga ginagawa. Sapagkat nasusuklam ang PANGINOON sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid. Isinusumpa ng PANGINOON ang sambahayan ng masasama, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid. Hinahamak niya ang mga nanghahamak ng kapwa, ngunit binibiyayaan niya ang mga mapagpakumbaba. Ang mga marunong ay pararangalan, ngunit ang mga hangal ay ilalagay sa kahihiyan.

Mga Kawikaan 3:1-35 Ang Biblia (TLAB)

Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo. Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto. Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani: Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog. Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg. Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod. Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing. Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli. Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon. Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo. Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.

Mga Kawikaan 3:1-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim; upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan. Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin. Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan. Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag, mawawala ang pighati, gagaling ang iyong sugat. Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan, at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan. Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan. Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan. Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw. Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman. Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig, pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit. Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala, huwag babayaang makaalpas sa isipan at gunita. Pagkat dulot nito'y masagana at marangal na pamumuhay. At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay, sa landas mo'y hindi ka matatalisod. Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin, at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing. Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan, hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang. Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo, at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo. Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan, huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.” Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibigan na sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan. Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan, kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan. Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas. Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot. Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala. Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban. Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan, ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang.

Mga Kawikaan 3:1-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo. Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: Itali mo sa palibot ng iyong leeg; Ikintal mo sa iyong puso: Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, Sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, At kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: Magiging kagalingan sa iyong pusod, At utak sa iyong mga buto. Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, At ng mga unang bunga ng lahat mong ani: Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, At ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; Ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. Mahalaga nga kay sa mga rubi; At wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, Sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, At lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: At mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, At ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog. Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, At biyaya sa iyong leeg. Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, At ang iyong paa ay hindi matitisod. Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing. Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, Ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, At iingatan ang iyong paa sa pagkahuli. Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, At bukas ay magbibigay ako; Pagka ikaw ay mayroon. Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, Na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo. Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, Kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. Huwag kang managhili sa taong marahas, At huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; Nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, Nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; Nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.