Mga Kawikaan 25:26-27
Mga Kawikaan 25:26-27 Ang Biblia (TLAB)
Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama. Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.
Mga Kawikaan 25:26-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bukal na nilabo o balong nadumihan ang katulad ng matuwid na sa masama ay nakipagkaibigan. Kung paanong masama ang labis na pulot-pukyutan, gayon din ang pagkagahaman sa karangalan.
Mga Kawikaan 25:26-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang matuwid na umaayon sa gawain ng masamang tao ay parang maruming balon at malabong bukal. Kung paanong masama ang pagkain ng labis na pulot, ganoon din ang paghahangad ng sariling kapurihan.
Mga Kawikaan 25:26-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bukal na nilabo o balong nadumihan ang katulad ng matuwid na sa masama ay nakipagkaibigan. Kung paanong masama ang labis na pulot-pukyutan, gayon din ang pagkagahaman sa karangalan.
Mga Kawikaan 25:26-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, Gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama. Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: Gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.