Mga Kawikaan 24:10-12
Mga Kawikaan 24:10-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung hindi ka makatagal sa panahon ng kahirapan ay nangangahulugan ngang ikaw ay mahina. Tulungan mo at iligtas ang hinatulang mamatay nang walang katarungan. Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito'y hindi maikakaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nakatunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito.
Mga Kawikaan 24:10-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kapag ikaw ay nawalan ng pag-asa sa panahon ng kahirapan, nagpapakita lang ito na ikaw ay mahina. Huwag kang mag-atubiling iligtas ang walang kasalanan na hinatulan ng kamatayan. Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa.
Mga Kawikaan 24:10-12 Ang Biblia (TLAB)
Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti. Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan, at ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik. Kung iyong sinasabi, narito, hindi kami nakakaalam nito: hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?
Mga Kawikaan 24:10-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kung hindi ka makatagal sa panahon ng kahirapan ay nangangahulugan ngang ikaw ay mahina. Tulungan mo at iligtas ang hinatulang mamatay nang walang katarungan. Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito'y hindi maikakaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nakatunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito.
Mga Kawikaan 24:10-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, Ang iyong kalakasan ay munti. Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan, At ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik. Kung iyong sinasabi, Narito, hindi kami nakakaalam nito: Hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya?