Mga Kawikaan 2:12-15
Mga Kawikaan 2:12-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan; ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman, mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan. Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
Mga Kawikaan 2:12-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama. Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman. Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito. Masama ang pag-uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.
Mga Kawikaan 2:12-15 Ang Biblia (TLAB)
Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas
Mga Kawikaan 2:12-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan; ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman, mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan. Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
Mga Kawikaan 2:12-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, At nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, Na mga liko sa kanilang mga lakad, At mga suwail sa kanilang mga landas