Mga Kawikaan 18:20-21
Mga Kawikaan 18:20-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan, ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan. Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.
Mga Kawikaan 18:20-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Aanihin mo ang bunga ng iyong mga sinasabi. Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay makamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
Mga Kawikaan 18:20-21 Ang Biblia (TLAB)
Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya. Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.
Mga Kawikaan 18:20-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan, ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan. Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.
Mga Kawikaan 18:20-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; Sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya. Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; At ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.