Mga Kawikaan 17:27-28
Mga Kawikaan 17:27-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita, ang mahinahon ay taong may pagkaunawa. Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.
Mga Kawikaan 17:27-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang taong marunong at nakakaunawa ay maingat magsalita at hindi padalos-dalos. Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik.
Mga Kawikaan 17:27-28 Ang Biblia (TLAB)
Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa. Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.
Mga Kawikaan 17:27-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita, ang mahinahon ay taong may pagkaunawa. Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.
Mga Kawikaan 17:27-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: At siyang may diwang malamig ay taong naguunawa. Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: Pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.