Mga Kawikaan 17:25-28
Mga Kawikaan 17:25-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang hangal na anak ay problema ng kanyang ama at pabigat sa damdamin ng kanyang ina. Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran, maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal. Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita, ang mahinahon ay taong may pagkaunawa. Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.
Mga Kawikaan 17:25-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitan at kalungkutan sa kanyang mga magulang. Hindi mabuti na parusahan ang taong matuwid o ang taong marangal. Ang taong marunong at nakakaunawa ay maingat magsalita at hindi padalos-dalos. Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik.
Mga Kawikaan 17:25-28 Ang Biblia (TLAB)
Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya. Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran. Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa. Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.
Mga Kawikaan 17:25-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang hangal na anak ay problema ng kanyang ama at pabigat sa damdamin ng kanyang ina. Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran, maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal. Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita, ang mahinahon ay taong may pagkaunawa. Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.
Mga Kawikaan 17:25-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, At kapaitan sa nanganak sa kaniya. Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, Ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran. Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: At siyang may diwang malamig ay taong naguunawa. Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: Pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.