Mga Kawikaan 16:1-33
Mga Kawikaan 16:1-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila. Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos. Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin. Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan. Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan. Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati. Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan. Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad. Ang bibig ng hari ay bukal ng mga pasyang kinasihan, hindi siya namamali sa lahat niyang kahatulan. Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan, at sa negosyo ay katapatan. Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan, pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan. Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan, at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan. Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari; kapag nagalit ang hari, may buhay na masasawi. Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal, may dalang ulan, may taglay na buhay. Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa. Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay. Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbabá kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas. Ang sumusunod sa payo ay mananagana, at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala. Ang matalinong tao ay nakikilala sa kanyang pang-unawa, ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba. Ang karunungan ay bukal ng buhay para sa matalino, ngunit mahirap maturuan ang mangmang na tao. Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin, kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin. Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan. May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito. Dahil sa pagkain ang tao'y nagsisikap; upang ang gutom ay bigyan ng lunas. Ang laman ng isip ng tampalasan ay puro kasamaan, ang kanyang mga labi ay parang nakakapasong apoy. Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan. Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa, at ibinubuyo sa landas na masama. Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat; pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak. Ang mga uban ay putong ng karangalan, ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay. Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan. Isinasagawa ng tao ang palabunutan, ngunit si Yahweh lang ang huling kapasyahan.
Mga Kawikaan 16:1-33 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang PANGINOON ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi. Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang PANGINOON lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo. Ipagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka. Ang lahat ay nilikha ng PANGINOON na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan. Kinasusuklaman ng PANGINOON ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan. Kung minamahal natin ang PANGINOON nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan. Kapag kinalulugdan ng PANGINOON ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan. Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan. Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa PANGINOON ang kaganapan nito. Ang haring pinapatnubayan ng PANGINOON, palaging tama ang paghatol. Ayaw ng PANGINOON ang dayaan sa kalakalan. Sa mga hari ay kasuklam-suklam ang paggawa ng kasamaan, dahil magpapatuloy lamang ang kanilang pamamahala kung sila ay makatuwiran. Nalulugod ang mga hari sa mga taong hindi nagsisinungaling; minamahal nila ang mga taong nagsasabi ng katotohanan. Kapag ang hari ay nagalit maaaring may masawi, kaya sinisikap ng taong marunong na malugod ang hari. Hindi pinapatay ng hari ang taong sa kanya ay kalugod-lugod; pinakikitaan niya ito ng kabutihan gaya ng ulan sa panahon ng tagsibol. Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto. Ang namumuhay nang matuwid ay lumalayo sa kasamaan, at ang nag-iingat ng kanyang sarili ay nalalayo sa kapahamakan. Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mamuhay nang may pagpapakumbaba kasama ang mahihirap kaysa sa mamuhay kasama ng mayayabang at makibahagi sa kanilang pinagnakawan. Ang taong nakikinig kapag tinuturuan ay uunlad, at ang taong nagtitiwala sa PANGINOON ay mapalad. Ang marunong ay kinikilalang may pang-unawa, at kung siyaʼy magaling magsalita marami ang matututo sa kanya. Kapag may karunungan ka, buhay moʼy bubuti at hahaba; ngunit kung hangal ka, parurusahan ka dahil sa iyong kahangalan. Ang taong marunong ay nag-iingat sa kanyang mga sinasabi, kaya natututo ang iba sa kanya. Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at nakakapagpasigla ng katawan. Maaaring iniisip mo na nasa tamang daan ka, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan. Ang kagutuman ang nagtutulak sa tao na magtrabaho. Ang taong masama ay nag-iisip ng kasamaan, at ang bawat sabihin niya ay parang apoy na nakakapaso. Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay. Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan. Mag-ingat sa taong ngingiti-ngiti at kikindat-kindat dahil maaaring masama ang kanyang binabalak. Ang katandaan ay tanda ng karangalan na matatanggap ng taong namumuhay sa katuwiran. Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod. Nagpapalabunutan ang mga tao upang malaman kung ano ang kanilang gagawin, ngunit nasa PANGINOON ang kapasyahan.
Mga Kawikaan 16:1-33 Ang Biblia (TLAB)
Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: nguni't papayapain ng pantas. Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo. Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad. Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan. Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan. Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi. Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto. May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya; sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig. Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy. Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa, at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti. Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay: siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan. Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran. Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan. Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan; nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon.
Mga Kawikaan 16:1-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila. Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos. Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin. Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan. Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan. Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati. Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan. Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad. Ang bibig ng hari ay bukal ng mga pasyang kinasihan, hindi siya namamali sa lahat niyang kahatulan. Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan, at sa negosyo ay katapatan. Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan, pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan. Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan, at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan. Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari; kapag nagalit ang hari, may buhay na masasawi. Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal, may dalang ulan, may taglay na buhay. Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa. Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa kanyang buhay. Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbabá kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas. Ang sumusunod sa payo ay mananagana, at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala. Ang matalinong tao ay nakikilala sa kanyang pang-unawa, ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba. Ang karunungan ay bukal ng buhay para sa matalino, ngunit mahirap maturuan ang mangmang na tao. Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin, kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin. Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan. May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito. Dahil sa pagkain ang tao'y nagsisikap; upang ang gutom ay bigyan ng lunas. Ang laman ng isip ng tampalasan ay puro kasamaan, ang kanyang mga labi ay parang nakakapasong apoy. Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan. Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa, at ibinubuyo sa landas na masama. Mag-ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat; pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak. Ang mga uban ay putong ng karangalan, ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay. Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan, at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan. Isinasagawa ng tao ang palabunutan, ngunit si Yahweh lang ang huling kapasyahan.
Mga Kawikaan 16:1-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: Nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, At ang iyong mga panukala ay matatatag. Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: At sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, Kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. Maigi ang kaunti na may katuwiran Kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: At kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: Lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: Sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; At kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: Nguni't papayapain ng pantas. Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; At ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: Siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, At ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, Kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo. Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: At ang nananalig sa Panginoon ay mapalad. Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: At ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan. Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: Nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan. Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, At nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi. Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, Matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto. May daan na tila matuwid sa tao, Nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya; Sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig. Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan: At sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy. Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: At ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa, At pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti. Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay: Siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan. Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, Masusumpungan sa daan ng katuwiran. Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; At siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan. Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan; Nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon.