Mga Kawikaan 15:1-4
Mga Kawikaan 15:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit. Ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan. Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan. Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.
Mga Kawikaan 15:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot. Ang salita ng taong marunong ay nagpapahiwatig ng karunungan, ngunit ang salita ng hangal ay nagpapakita ng kahangalan. Nakikita ng PANGINOON ang lahat ng lugar. Minamasdan niya ang ginagawa ng masasama at ng mga matuwid. Ang malumanay na pananalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salita ay nakakasugat ng puso.
Mga Kawikaan 15:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit. Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan. Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti. Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.
Mga Kawikaan 15:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit. Ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan. Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan. Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.
Mga Kawikaan 15:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: Nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit. Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan. Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, Na nagbabantay sa masama at sa mabuti. Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: Nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.