Mga Kawikaan 14:16-17
Mga Kawikaan 14:16-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang taong may unawa ay lumalayo sa kasamaan, ngunit ang mangmang ay napapahamak dahil sa kapabayaan. Ang taong mainit ang ulo ay nakagagawa ng di marapat, ngunit ang mahinahon ay lagi nang nag-iingat.
Mga Kawikaan 14:16-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang taong marunong ay iniingatan ang kanyang sarili at umiiwas sa gulo, ngunit ang taong hangal ay walang pag-iingat at padalos-dalos. Ang taong madaling magalit ay nakagagawa ng kamangmangan. Ang taong mapanlinlang ay kinapopootan.

Mga Kawikaan 14:16-17 Ang Biblia (TLAB)
Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan: nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa. Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.