Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 13:1-25

Mga Kawikaan 13:1-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan, ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan. Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan. Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay. May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman, ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman. Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay, ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala. Ang matuwid ay tulad ng maningning na ilaw, ngunit ang masama ay lamparang namamatay. Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan. Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala. Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan. Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan, ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan. Ang mga turo ng matalino ay bukal ng buhay, ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan. Ang katalinuhan ay umaani ng paggalang, ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan. Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa, sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa. Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan. Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan. Ang pangarap na natupad ay may dulot na ligaya, ngunit ayaw iwan ng masama ang kasamaan niya. Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo. Ang hinaharap ng masama ay kahirapan sa buhay, ngunit sagana ang pagpapalang sa matuwid ay naghihintay. Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan. Ang bukid ng mahihirap, may pangakong kasaganaan, ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan. Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang. Ang matuwid ay sagana sa lahat ng kailangan, ngunit ang masama ay palagi namang nagkukulang.

Mga Kawikaan 13:1-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

Ang matalinong anak ay nakikinig sa pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang nangungutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya. Ang taong nagsasalita ng mabuti ay gagantihan ng mabuting bagay, ngunit ang salita ng taong hindi tapat ay gagantihan ng karahasan. Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan. Ang taong tamad hindi makukuha ang hinahangad, ngunit ang taong masipag ay magkakaroon ng higit pa sa kanyang hinahangad. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya. Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan. May mga taong nagkukunwaring mayaman ngunit mahirap naman, at may mga nagkukunwaring mahirap ngunit mayaman naman. Ang taong mayaman kapag dinukot ay may pantubos sa kanyang buhay, ngunit ang taong mahirap ni hindi man lang pinagtatangkaan. Ang buhay ng taong matuwid ay parang ilaw na maliwanag, ngunit ang buhay ng masama ay parang ilaw na namatay. Ang kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagtatalo, ngunit ang nakikinig sa payo ay nagpapahiwatig ng karunungan. Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala. Ang hangarin na naantala ay nakapanghihina, ngunit ang hangarin na natupad ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla. Ang taong tumatanggi sa turo at utos sa kanya ay mapapahamak, ngunit ang sumusunod dito ay gagantimpalaan. Ang mga turo ng taong may karunungan ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at mailalayo ka sa kamatayan. Ang taong may mabuting pang-unawa ay iginagalang, ngunit ang taong taksil ay kapahamakan ang kahahantungan. Ang taong marunong umunawa kung ano ang tama at mali ay pinag-iisipan muna ang isang bagay bago niya gawin, ngunit ang taong hangal ay hindi nag-iisip, ipinakikita niya ang kanyang kahangalan. Ang masamang sugo ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mapagkakatiwalaang sugo ay nagpapabuti ng ugnayan. Ang taong ayaw tumanggap ng pangaral ay dadanas ng kahirapan at kahihiyan, ngunit ang tumatanggap nito ay pararangalan. Ang pangarap na natupad ay nagdudulot ng ligaya; subalit ang taong hangal ay hindi tumitigil sa paggawa ng masama. Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kung hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka. Ang kapahamakan ay darating sa mga makasalanan saanman sila magpunta, ngunit ang mga matuwid ay gagantimpalaan ng mabubuting bagay. Ang kayamanan ng mabuting tao ay mamanahin ng kanyang mga apo, ngunit ang kayamanan ng makasalanan ay mapupunta sa mga matuwid. Umani man ng sagana ang lupain ng mahihirap, hindi rin sila makikinabang dito dahil sa hindi makatuwirang patakaran ng iba. Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali. Ang taong matuwid ay makakakain ng sapat, ngunit ang masasama ay magugutom.

Mga Kawikaan 13:1-25 Ang Biblia (TLAB)

Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway. Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan, Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan. Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba. Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya. Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan. May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: may nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan. Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta. Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin. Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi. Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan. Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay. Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, upang lumayo sa mga silo ng kamatayan. Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap. Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan. Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan. Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri. Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan. Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara. Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti. Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid. Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan. Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan. Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.

Mga Kawikaan 13:1-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan, ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan. Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan. Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay. May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman, ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman. Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay, ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala. Ang matuwid ay tulad ng maningning na ilaw, ngunit ang masama ay lamparang namamatay. Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan. Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala. Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan. Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan, ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan. Ang mga turo ng matalino ay bukal ng buhay, ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan. Ang katalinuhan ay umaani ng paggalang, ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan. Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa, sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa. Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan. Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan. Ang pangarap na natupad ay may dulot na ligaya, ngunit ayaw iwan ng masama ang kasamaan niya. Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo. Ang hinaharap ng masama ay kahirapan sa buhay, ngunit sagana ang pagpapalang sa matuwid ay naghihintay. Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan. Ang bukid ng mahihirap, may pangakong kasaganaan, ngunit ito'y nasasayang dahil sa kawalan ng katarungan. Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang. Ang matuwid ay sagana sa lahat ng kailangan, ngunit ang masama ay palagi namang nagkukulang.

Mga Kawikaan 13:1-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: Nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway. Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: Nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan, Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: Nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan. Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: Nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba. Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: Nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya. Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; Nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan. May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: May nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan. Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: Nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta. Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: Nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin. Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: Nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi. Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: Nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan. Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: Nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay. Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: Nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, Upang lumayo sa mga silo ng kamatayan. Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: Nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap. Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: Nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan. Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: Nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan. Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: Nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri. Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: Nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan. Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; Nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara. Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; Nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti. Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; At ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid. Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: Nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan. Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: Nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsanminsan. Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; Nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan.