Mga Kawikaan 12:22-28
Mga Kawikaan 12:22-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino, ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao. Balang araw ang masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad ay mananatiling alila. Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan. Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw. Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang masikap ay laging may magandang hinaharap. Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan.
Mga Kawikaan 12:22-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nasusuklam ang PANGINOON sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan. Hindi ipinagyayabang ng taong marunong ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan. Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin. Nakapagpapalungkot sa tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang pananalita ay kaaliwan. Ginagabayan ng taong matuwid ang kanyang kaibigan, ngunit ililigaw ka ng taong masama. Hindi makakamit ng taong tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang taong masipag maganda ang hinaharap. Ang matuwid na pamumuhay ay patungo sa buhay, at maililigtas ka nito sa kamatayan.
Mga Kawikaan 12:22-28 Ang Biblia (TLAB)
Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag. Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan.
Mga Kawikaan 12:22-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino, ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao. Balang araw ang masikap ang mamamahala, ngunit ang tamad ay mananatiling alila. Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan. Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw. Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang masikap ay laging may magandang hinaharap. Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa kamatayan.
Mga Kawikaan 12:22-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. Ang kamay ng masipag ay magpupuno: Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag. Nasa daan ng katuwiran ang buhay; At sa kaniyang landas ay walang kamatayan.