Mga Kawikaan 12:20-23
Mga Kawikaan 12:20-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan. Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig. Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino, ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao.
Mga Kawikaan 12:20-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng mabuti. Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit sa masama, pawang kaguluhan ang mararanasan. Nasusuklam ang PANGINOON sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan. Hindi ipinagyayabang ng taong marunong ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.
Mga Kawikaan 12:20-23 Ang Biblia (TLAB)
Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.
Mga Kawikaan 12:20-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan. Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig. Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino, ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao.
Mga Kawikaan 12:20-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.