Mga Kawikaan 12:1-7
Mga Kawikaan 12:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo. Si Yahweh ay nalulugod sa taong matuwid, ngunit sa masasama siya ay nagagalit. Ang makasalanan ay hindi mapapanatag, ngunit ang matuwid ay hindi matitinag. Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawa. Ang taong matuwid ay mabuting makiharap, ngunit ang masama ay bihira lang magtapat. Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama, ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa. Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik, ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig.
Mga Kawikaan 12:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal. Ang mabuting tao ay kinalulugdan ng PANGINOON, ngunit ang taong nagpaplano ng masama ay kanyang pinarurusahan. Ang taong gumagawa ng masama ay walang katatagan, ngunit ang taong matuwid ay matatag tulad ng isang punongkahoy na malalim ang ugat. Ang mabuting maybahay ay kasiyahan at karangalan ng kanyang asawa, ngunit parang kanser sa buto ang nakakahiyang asawa. Ang iniisip ng taong matuwid ay tama, ngunit ang mga payo ng taong masama ay pandaraya. Ang salita ng taong masama ay nakamamatay, ngunit ang salita ng taong matuwid ay nakapagliligtas. Mapapahamak at maglalaho ang mga taong masama, ngunit mananatili ang lahi ng mga taong matuwid.
Mga Kawikaan 12:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.
Mga Kawikaan 12:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo. Si Yahweh ay nalulugod sa taong matuwid, ngunit sa masasama siya ay nagagalit. Ang makasalanan ay hindi mapapanatag, ngunit ang matuwid ay hindi matitinag. Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawa. Ang taong matuwid ay mabuting makiharap, ngunit ang masama ay bihira lang magtapat. Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama, ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa. Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik, ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig.
Mga Kawikaan 12:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: Nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: Nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: Nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: Nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: Nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. Ang masama ay inilulugmok at nawawala: Nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.