Mga Kawikaan 12:1-22
Mga Kawikaan 12:1-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo. Si Yahweh ay nalulugod sa taong matuwid, ngunit sa masasama siya ay nagagalit. Ang makasalanan ay hindi mapapanatag, ngunit ang matuwid ay hindi matitinag. Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawa. Ang taong matuwid ay mabuting makiharap, ngunit ang masama ay bihira lang magtapat. Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama, ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa. Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik, ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig. Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan, ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang. Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak, kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak. Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait, ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik. Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat. Ang nais ng masama ay puro kasamaan, ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig, ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala. Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa. Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya. Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan. Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling. Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal. Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan. Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig. Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw.
Mga Kawikaan 12:1-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal. Ang mabuting tao ay kinalulugdan ng PANGINOON, ngunit ang taong nagpaplano ng masama ay kanyang pinarurusahan. Ang taong gumagawa ng masama ay walang katatagan, ngunit ang taong matuwid ay matatag tulad ng isang punongkahoy na malalim ang ugat. Ang mabuting maybahay ay kasiyahan at karangalan ng kanyang asawa, ngunit parang kanser sa buto ang nakakahiyang asawa. Ang iniisip ng taong matuwid ay tama, ngunit ang mga payo ng taong masama ay pandaraya. Ang salita ng taong masama ay nakamamatay, ngunit ang salita ng taong matuwid ay nakapagliligtas. Mapapahamak at maglalaho ang mga taong masama, ngunit mananatili ang lahi ng mga taong matuwid. Pinararangalan ang taong may karunungan, ngunit hinahamak ang taong masama ang kaisipan. Mas mabuti ang taong simple pero kayang magbayad ng katulong kaysa sa taong nagkukunwaring mayaman ngunit kahit makain ay wala naman. Ang taong matuwid ay mabait sa kanyang mga alagang hayop, ngunit ang taong masama ay malupit at walang awa sa kanyang mga hayop. Ang magsasakang masipag ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang walang sapat na pang-unawa ay nagsasayang ng oras sa mga walang kabuluhang gawain. Ang taong masama ay laging kasamaan ang ginagawa, kaya hindi matatag ang kanyang kalagayan; ngunit ang taong matuwid ay matatag gaya ng punongkahoy na malalim ang ugat. Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo. Ang bawat isa ay tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang sinabi o ginawa. Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo. Ang hangal ay madaling magalit kapag iniinsulto, ngunit ang taong may karunungan ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya. Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit ang hindi tapat na saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan. Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling. Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan. Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng mabuti. Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit sa masama, pawang kaguluhan ang mararanasan. Nasusuklam ang PANGINOON sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.
Mga Kawikaan 12:1-22 Ang Biblia (TLAB)
Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.
Mga Kawikaan 12:1-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo. Si Yahweh ay nalulugod sa taong matuwid, ngunit sa masasama siya ay nagagalit. Ang makasalanan ay hindi mapapanatag, ngunit ang matuwid ay hindi matitinag. Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawa. Ang taong matuwid ay mabuting makiharap, ngunit ang masama ay bihira lang magtapat. Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama, ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa. Ang masama ay lubusang mapaparam at di na magbabalik, ngunit ang sambahayan ng matuwid, mananatiling nakatindig. Ang taong matalino'y magkakamit ng karangalan, ngunit ang aanihin ng masama ay pagkutya lang. Ang maralitang nagsisikap ay mabuting di hamak, kaysa nagkukunwang mayaman ngunit sa gutom nakasadlak. Kahit sa kanyang mga hayop ang matuwid ay mabait, ngunit ang masama kahit kanino ay sadyang mabagsik. Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat. Ang nais ng masama ay puro kasamaan, ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig, ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala. Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa. Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya. Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan. Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling. Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal. Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan. Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig. Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw.
Mga Kawikaan 12:1-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: Nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: Nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: Nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: Nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: Nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. Ang masama ay inilulugmok at nawawala: Nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.