Mga Kawikaan 11:24-26
Mga Kawikaan 11:24-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan. Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil, ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain.
Mga Kawikaan 11:24-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan. Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan. Isinusumpa ang taong nagtatago ng paninda para maitinda ito kapag mataas na ang presyo, ngunit pinupuri ang taong hindi nagtatago ng paninda.
Mga Kawikaan 11:24-26 Ang Biblia (TLAB)
May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan. Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din. Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.
Mga Kawikaan 11:24-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan. Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil, ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain.
Mga Kawikaan 11:24-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
May nagsasabog, at tumutubo pa, At may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan. Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: At siyang dumidilig ay madidilig din. Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: Nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.