Mga Kawikaan 11:1-25
Mga Kawikaan 11:1-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama. Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan. Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan. Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan. Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan. Ang katuwiran ng mga matuwid ang nagliligtas sa kanya, ngunit ang masama ay bilanggo ng kanyang masamang nasa. Ang pag-asa ng masama ay kasama niyang pumapanaw, ang umasa sa kayamanan ay mawawalang kabuluhan. Ang matuwid ay inilalayo sa bagabag, ngunit ang masama ay doon bumabagsak. Ang labi ng walang Diyos, sa iba ay mapanira, ngunit ang dunong ng matuwid ay nagliligtas ng kapwa. Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak, ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak. Dahil sa salita ng matuwid ang bayan ay tumatatag, ngunit sa kasinungalingan ng masama ang lunsod ay nawawasak. Ang kapos sa kaalaman ay humahamak sa kapwa, ngunit laging tahimik ang taong may unawa. Walang maitatago sa bibig ng madaldal, ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan. Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak. Ang nananagot para sa iba, sa gusot ay nasasadlak, ngunit ang ayaw gumarantiya ay malayo sa bagabag. Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan, ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan. Lagi sa kahirapan ang taong tamad, ngunit masagana ang buhay ng isang masipag. Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan, ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay. Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan, ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay. Ang taong nasa matuwid ay makasusumpong ng buhay, ngunit ang landas ng masama ay patungo sa kamatayan. Ang kaisipang masama kay Yahweh ay kasuklam-suklam, ngunit ang lakad ng matuwid, kay Yahweh ay kasiyahan. Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan, ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran. Ang magandang babae ngunit mangmang naman, ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy. Anumang nais ng matuwid ay nagbubunga ng kabutihan, ngunit ang mahihintay lang ng masama ay kaparusahan. Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.
Mga Kawikaan 11:1-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kinasusuklaman ng PANGINOON ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan. Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba. Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay. Ang kayamanan ay hindi makakatulong sa araw ng paghuhukom, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay magliligtas sa iyo sa kamatayan. Ang matuwid at walang kapintasang pamumuhay ay makapagpapagaan ng buhay, ngunit ang masamang pamumuhay ay maghahatid ng kapahamakan. Ang pamumuhay ng taong matuwid ang magliligtas sa kanya, ngunit ang hangad ng taong mandaraya ang magpapahamak sa kanya. Kapag namatay ang taong masama, pag-asa niyaʼy mawawala, at ang kanyang mga inaasahan ay mawawalan ng kabuluhan. Inililigtas ng Dios sa kahirapan ang matuwid, ngunit ang masama ay kanyang pinapabayaan. Sinisira ng hindi makadios ang kapwa niya sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Ang taong matuwid ay maililigtas ng kanyang kaalaman. Kapag ang matuwid ay pinagpapala, mga taoʼy sumisigaw sa tuwa. At kapag ang masama ay napapahamak ganoon din ang kanilang ginagawa. Umuunlad ang isang bayan sa pagpapala ng mga mamamayang matuwid, subalit nawawasak ito sa pamamagitan ng salita ng masama. Ang taong walang pang-unawa ay kinukutya ang kapwa, ngunit ang taong may pang-unawa ay hindi nangungutya. Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto ng iba, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago ng sikreto ng iba. Babagsak ang bansa kung ang namumuno nito ay walang gumagabay, ngunit kung maraming tagapayo tiyak ang tagumpay. Delikado ang mangakong managot sa utang ng iba, kaya iwasan itong gawin upang hindi ka magkaproblema. Ang babaeng maganda ang ugali ay nag-aani ng karangalan, ngunit ang taong marahas ay magaling lang sa pag-angkin ng kayamanan. Ang taong tamad ay maghihirap, ngunit ang taong masipag ay yayaman. Kung mabait ka para iyon sa iyong kabutihan, ngunit kung malupit ka para iyon sa iyong kapahamakan. Ang masamang tao ay hindi tatanggap ng tunay na gantimpala, ngunit ang gumagawa ng matuwid ay tatanggap ng tunay na gantimpala. Ang taong gumagawa ng matuwid ay patuloy na mabubuhay, ngunit ang taong gumagawa ng masama ay mamamatay. Kasuklam-suklam sa PANGINOON ang pag-iisip ng masama, ngunit ang buhay na matuwid ay kalugod-lugod sa kanya. Ang taong masama, tiyak na parurusahan, ngunit ang matuwid ay makakaligtas. Ang magandang babaeng hindi marunong magpasya ay parang isang gintong singsing sa nguso ng baboy. Ang ninanais ng matuwid ay pawang kabutihan, ngunit ang ninanais ng masama ay nagdudulot ng kaguluhan. Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan. Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.
Mga Kawikaan 11:1-25 Ang Biblia (TLAB)
Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran. Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan. Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila. Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan. Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila: nguni't silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan. Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak; at ang pagasa ng masama ay nawawala. Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan, at ang masama ay dumarating na kahalili niya. Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa: nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid. Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: at pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan. Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama. Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik. Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay. Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara: nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay. Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan. Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman. Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod: nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala. Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay: at siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay. Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran. Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas. Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang magandang babae na walang bait. Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot. May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan. Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din.
Mga Kawikaan 11:1-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama. Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan. Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan. Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan. Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan. Ang katuwiran ng mga matuwid ang nagliligtas sa kanya, ngunit ang masama ay bilanggo ng kanyang masamang nasa. Ang pag-asa ng masama ay kasama niyang pumapanaw, ang umasa sa kayamanan ay mawawalang kabuluhan. Ang matuwid ay inilalayo sa bagabag, ngunit ang masama ay doon bumabagsak. Ang labi ng walang Diyos, sa iba ay mapanira, ngunit ang dunong ng matuwid ay nagliligtas ng kapwa. Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak, ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak. Dahil sa salita ng matuwid ang bayan ay tumatatag, ngunit sa kasinungalingan ng masama ang lunsod ay nawawasak. Ang kapos sa kaalaman ay humahamak sa kapwa, ngunit laging tahimik ang taong may unawa. Walang maitatago sa bibig ng madaldal, ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan. Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak. Ang nananagot para sa iba, sa gusot ay nasasadlak, ngunit ang ayaw gumarantiya ay malayo sa bagabag. Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan, ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan. Lagi sa kahirapan ang taong tamad, ngunit masagana ang buhay ng isang masipag. Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan, ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay. Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan, ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay. Ang taong nasa matuwid ay makasusumpong ng buhay, ngunit ang landas ng masama ay patungo sa kamatayan. Ang kaisipang masama kay Yahweh ay kasuklam-suklam, ngunit ang lakad ng matuwid, kay Yahweh ay kasiyahan. Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan, ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran. Ang magandang babae ngunit mangmang naman, ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy. Anumang nais ng matuwid ay nagbubunga ng kabutihan, ngunit ang mahihintay lang ng masama ay kaparusahan. Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.
Mga Kawikaan 11:1-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran. Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: Nguni't nasa mababa ang karunungan. Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: Nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila. Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: Nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan. Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila: Nguni't silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan. Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak; At ang pagasa ng masama ay nawawala. Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan, At ang masama ay dumarating na kahalili niya. Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa: Nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid. Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: At pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan. Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: Nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama. Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: Nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik. Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: Nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay. Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara: Nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay. Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: At ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan. Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: Nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman. Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod: Nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala. Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay: At siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay. Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran. Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: Nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas. Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, Gayon ang magandang babae na walang bait. Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: Nguni't ang hintay ng masama ay poot. May nagsasabog, at tumutubo pa, At may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan. Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: At siyang dumidilig ay madidilig din.