Mga Kawikaan 1:5-33
Mga Kawikaan 1:5-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman. Sa gayon, lubos nilang mauunawaan ang mga kawikaan, gayon din ang palaisipan ng mga marurunong. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway. Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan. Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila. Kung sabihin nilang, “Halika't tayo ay mag-abang, bilang katuwaa'y daluhungin ang mga walang malay. Sila'y ating dudumugi't walang awang papatayin, at sila ay matutulad sa patay na ililibing. Ating sasamsamin ang lahat nilang kagamitan, bahay nati'y mapupuno ng malaking kayamanan. Halika at sa amin ikaw nga ay sumama, lahat ng masasamsam, bibigyan ang bawat isa.” Aking anak, sa kanila ay iwasan mong makisama, umiba ka ng landas mo, papalayo sa kanila. Ang lagi nilang hangad, gumawa ng kasamaan, sa tuwina ang bisig ay nakahanda sa pagpatay. Sa pag-uumang ng bitag ay walang mangyayari, kung nakikita ng ibon na nais mo siyang mahuli. Ngunit hindi nalalaman ng mga taong iyon, bitag nila ang sisilo sa sarili nilang ulo. Ganyan ang uuwian ng nabubuhay sa karahasan, sa ganyan nga magwawakas ang masamang pamumuhay. Karununga'y umaalingawngaw sa mataong lansangan, tinig niya'y nangingibabaw sa lugar ng pamilihan. Ito'y lumalampas sa mataas na mga muog, ang ugong niya'y naririnig sa pintuan nitong lunsod: “Taong mangmang, walang hustong kaalaman, hanggang kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan? Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan? Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman? Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman. Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo, ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko. Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo. Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan. Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay, dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan, at kung datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati, sa araw na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi masusumpungan. Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa, at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama. Katigasan ng ulo ang papatay sa mangmang, sa dusa ay masasadlak sa kawalan ng kaalaman. Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay, mabubuhay nang payapa, walang katatakutan.”
Mga Kawikaan 1:5-33 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa sa pag-unawa sa kahulugan ng mga kawikaan, mga talinghaga, at mga bugtong ng marurunong. Ang pagkatakot sa PANGINOON ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal, walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan. Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang, dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kuwintas. Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan. Huwag kang sasáma kapag sinabi nilang, “Halika, sumáma ka sa amin! Bilang katuwaan, mag-abang tayo ng papatayin, manambang tayo ng inosente. Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila upang matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay. Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam. Sige na, sumáma ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.” Anak, huwag kang sumáma sa kanila; iwasan mo sila. Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao. Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitag kung ang ibong iyong huhulihin ay nakatingin. Ngunit ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila. Ganyan ang mangyayari sa mga taong ang ari-arian ay nakuha sa masamang paraan. Mamamatay sila sa ganoon ding paraan. Ang karunungan ay sumisigaw sa lansangan, sa pamilihan siya ay humihiyaw. Nilalakasan niya ang kanyang boses sa plasa at sa pintuang-bayan at nagsasabing: “Kayong mga walang alam, hanggang kailan kayo mananatiling ganyan? Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya? Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan? Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko. Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo, sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin, at binalewala ninyo ang lahat ng aking payo at hindi tinanggap ang aking pagsaway. Dahil ditoʼy pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo. Kukutyain ko kayo kapag natatakot kayo, kapag dumating ang kinatatakutan ninyo na parang bagyo, kapag dumaan ang kapahamakan sa inyo na parang ipuipo, at kapag sumapit sa inyo ang hinagpis at gulo. “Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita. Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa PANGINOON. Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo. Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at ng mga binabalak nʼyong masama. Sapagkat ang katigasan ng ulo ng mga taong wala sa katinuan ang papatay sa kanila, at ang pagsasawalang-bahala ng mga hangal ang magpapahamak sa kanila. Ngunit ang taong nakikinig sa akin ay mabubuhay ng matiwasay, ligtas siya sa panganib at walang katatakutan.”
Mga Kawikaan 1:5-33 Ang Biblia (TLAB)
Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan. Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot: Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon. Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.
Mga Kawikaan 1:5-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman. Sa gayon, lubos nilang mauunawaan ang mga kawikaan, gayon din ang palaisipan ng mga marurunong. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway. Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan. Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila. Kung sabihin nilang, “Halika't tayo ay mag-abang, bilang katuwaa'y daluhungin ang mga walang malay. Sila'y ating dudumugi't walang awang papatayin, at sila ay matutulad sa patay na ililibing. Ating sasamsamin ang lahat nilang kagamitan, bahay nati'y mapupuno ng malaking kayamanan. Halika at sa amin ikaw nga ay sumama, lahat ng masasamsam, bibigyan ang bawat isa.” Aking anak, sa kanila ay iwasan mong makisama, umiba ka ng landas mo, papalayo sa kanila. Ang lagi nilang hangad, gumawa ng kasamaan, sa tuwina ang bisig ay nakahanda sa pagpatay. Sa pag-uumang ng bitag ay walang mangyayari, kung nakikita ng ibon na nais mo siyang mahuli. Ngunit hindi nalalaman ng mga taong iyon, bitag nila ang sisilo sa sarili nilang ulo. Ganyan ang uuwian ng nabubuhay sa karahasan, sa ganyan nga magwawakas ang masamang pamumuhay. Karununga'y umaalingawngaw sa mataong lansangan, tinig niya'y nangingibabaw sa lugar ng pamilihan. Ito'y lumalampas sa mataas na mga muog, ang ugong niya'y naririnig sa pintuan nitong lunsod: “Taong mangmang, walang hustong kaalaman, hanggang kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan? Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan? Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman? Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman. Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo, ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko. Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo. Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan. Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay, dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan, at kung datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati, sa araw na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi masusumpungan. Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa, at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama. Katigasan ng ulo ang papatay sa mangmang, sa dusa ay masasadlak sa kawalan ng kaalaman. Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay, mabubuhay nang payapa, walang katatakutan.”
Mga Kawikaan 1:5-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: At upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; Ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: Nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, At huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, At mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, Huwag mong tulutan. Kung kanilang sabihin, Sumama ka sa amin, Tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, Tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; Sila'y lamunin nating buháy na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pagaari, Ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; Magkakaroon tayong lahat ng isang supot: Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; Pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, At sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, Sa paningin ng alin mang ibon: At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, Kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; Na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon. Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; Sa pasukan ng mga pintuang-bayan, Sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, At ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, At hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, At hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, At ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.