Mga Kawikaan 1:20-32
Mga Kawikaan 1:20-32 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang karunungan ay katulad ng isang mangangaral na nagsasalita sa mga lansangan, plasa, pamilihan, at mga pintuang bayan. Sinasabi niya, “Kayong mga walang alam, hanggang kailan kayo mananatiling ganyan? Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya? Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan? Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko. Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo, sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin, at binalewala ninyo ang lahat ng payo ko at pagsaway. Pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo; kukutyain ko kayo kapag dumating sa inyo ang paghihirap at mga pangyayaring nakakatakot gaya ng ipu-ipo at bagyo. Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita. Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa PANGINOON. Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo. Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at pinaplanong masama. Sapagkat ang katigasan ng ulo ng mga taong walang karunungan ang papatay sa kanila, at ang pagsasawalang-bahala ng mga hangal ang magpapahamak sa kanila.
Mga Kawikaan 1:20-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Karununga'y umaalingawngaw sa mataong lansangan, tinig niya'y nangingibabaw sa lugar ng pamilihan. Ito'y lumalampas sa mataas na mga muog, ang ugong niya'y naririnig sa pintuan nitong lunsod: “Taong mangmang, walang hustong kaalaman, hanggang kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan? Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan? Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman? Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman. Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo, ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko. Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo. Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan. Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay, dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan, at kung datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati, sa araw na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi masusumpungan. Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa, at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama. Katigasan ng ulo ang papatay sa mangmang, sa dusa ay masasadlak sa kawalan ng kaalaman.
Mga Kawikaan 1:20-32 Ang Biblia (TLAB)
Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
Mga Kawikaan 1:20-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Karununga'y umaalingawngaw sa mataong lansangan, tinig niya'y nangingibabaw sa lugar ng pamilihan. Ito'y lumalampas sa mataas na mga muog, ang ugong niya'y naririnig sa pintuan nitong lunsod: “Taong mangmang, walang hustong kaalaman, hanggang kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan? Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan? Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman? Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman. Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo, ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko. Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo. Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan. Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay, dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan, at kung datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati, sa araw na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi masusumpungan. Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan, kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa, at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama. Katigasan ng ulo ang papatay sa mangmang, sa dusa ay masasadlak sa kawalan ng kaalaman.
Mga Kawikaan 1:20-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; Sa pasukan ng mga pintuang-bayan, Sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, At ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, At hindi ninyo inibig ang aking saway: Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, At hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, At ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.