Mga Kawikaan 1:1-5
Mga Kawikaan 1:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Sa pamamagitan nito, ang tao'y magtatamo ng karunungan at pang-unawa sa mga salitang puno ng aral sa buhay. Itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, katuwiran, katarungan, at katapatan. Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan, at ang mga kabataa'y matuturuang magpasya nang tama. Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman.
Mga Kawikaan 1:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito, magkakaroon ka ng karunungan, maitutuwid mo ang iyong ugali at mauunawaan mo ang mga aral na magbibigay sa iyo ng karunungan. Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka, dahil itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, mabuting pag-uugali, paggawa ng tama, at pagiging makatarungan. Makapagbibigay ito ng karunungan sa mga walang kaalaman at sa kabataaʼy magtuturo ng tamang pagpapasya. Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa
Mga Kawikaan 1:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo
Mga Kawikaan 1:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Sa pamamagitan nito, ang tao'y magtatamo ng karunungan at pang-unawa sa mga salitang puno ng aral sa buhay. Itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, katuwiran, katarungan, at katapatan. Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan, at ang mga kabataa'y matuturuang magpasya nang tama. Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman.
Mga Kawikaan 1:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: Upang umalam ng karunungan at turo; Upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, Sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: At upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo