Obadias 1:10-14
Obadias 1:10-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Dahil sa ginawa mong karahasan sa angkan ng kapatid mong si Jacob, sa kahihiya'y malalagay ka, at mahihiwalay sa akin magpakailanman. Pinanood mo lamang sila, nang araw na pasukin ng mga kaaway. Kasinsama ka ng mga dayuhan na nananamsam at naghahati-hati sa kayamanan ng Jerusalem na kanilang tinangay. Hindi mo dapat ikinatuwa ang kapahamakang sinapit ng iyong mga kapatid sa lupain ng Juda. Hindi ka dapat nagalak sa araw ng kanilang pagkawasak; hindi ka dapat naging palalo sa araw ng kanilang kasawian. Hindi mo dapat pinasok ang lunsod ng aking bayan, ni pinagtawanan ang kanilang kasawian. At sinamsam mo pa ang kanilang kayamanan sa panahon ng kanilang kapahamakan. Hindi ka dapat nag-abang sa mga sangang-daan upang ang mga pugante doon ay hadlangan. Hindi mo na dapat sila ibinigay sa kalaban sa araw na iyon ng kanilang kapahamakan.
Obadias 1:10-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Dahil sa inyong pagmamalupit sa mga lahi ni Jacob, na inyong kalahi, malalagay kayo sa kahihiyan at lilipulin magpakailanman. Pinabayaan lamang ninyo ang Jerusalem nang salakayin ng ibang bansa. Pinabayaan ninyong kunin ang kanilang mga ari-arian at paghahati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan. Kayoʼy tulad nila na mga kaaway ng Israel. Hindi sana ninyo ikinatuwa ang panahon ng kapahamakan ng mga taga-Juda na inyong kalahi. Hindi sana kayo nagalak sa panahon ng kanilang pagkawasak. At hindi sana kayo nagmalaki sa panahon ng kanilang kahirapan. Hindi dapat sana kayo pumasok sa lungsod ng aking mga mamamayan sa panahon ng kanilang kasawian at kumuha ng kanilang mga ari-arian. At hindi sana kayo natuwa sa panahon ng kanilang paghihirap. Hindi sana kayo nag-abang sa mga sangang-daan upang patayin ang mga tumatakas mula sa Jerusalem. At hindi sana ninyo sila ibinigay sa mga kaaway sa panahon ng kanilang kasawian.
Obadias 1:10-14 Ang Biblia (TLAB)
Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man. Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila. Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis. Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan. At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.
Obadias 1:10-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Dahil sa ginawa mong karahasan sa angkan ng kapatid mong si Jacob, sa kahihiya'y malalagay ka, at mahihiwalay sa akin magpakailanman. Pinanood mo lamang sila, nang araw na pasukin ng mga kaaway. Kasinsama ka ng mga dayuhan na nananamsam at naghahati-hati sa kayamanan ng Jerusalem na kanilang tinangay. Hindi mo dapat ikinatuwa ang kapahamakang sinapit ng iyong mga kapatid sa lupain ng Juda. Hindi ka dapat nagalak sa araw ng kanilang pagkawasak; hindi ka dapat naging palalo sa araw ng kanilang kasawian. Hindi mo dapat pinasok ang lunsod ng aking bayan, ni pinagtawanan ang kanilang kasawian. At sinamsam mo pa ang kanilang kayamanan sa panahon ng kanilang kapahamakan. Hindi ka dapat nag-abang sa mga sangang-daan upang ang mga pugante doon ay hadlangan. Hindi mo na dapat sila ibinigay sa kalaban sa araw na iyon ng kanilang kapahamakan.
Obadias 1:10-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)