Mga Bilang 27:18-20
Mga Bilang 27:18-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun; siya ay may natatanging kakayahan. Ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay. Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong Israel at doo'y ipahayag mo siya bilang iyong kahalili. Bigyan mo siya ng iyong kapangyarihan upang sundin siya ng buong Israel.
Mga Bilang 27:18-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Ipatawag si Josue na anak ni Nun, na puspos ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanyang ulo. Patayuin siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan, at ipaalam mo sa kanila na pinili mo siya para pumalit sa iyo. Ibigay mo sa kanya ang iba mong kapangyarihan upang sundin siya ng buong mamamayan ng Israel.
Mga Bilang 27:18-20 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan; at pagbilinan mo siya sa kanilang paningin. At lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang sundin siya ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel.
Mga Bilang 27:18-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun; siya ay may natatanging kakayahan. Ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay. Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong Israel at doo'y ipahayag mo siya bilang iyong kahalili. Bigyan mo siya ng iyong kapangyarihan upang sundin siya ng buong Israel.
Mga Bilang 27:18-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)