Mga Bilang 27:12-23
Mga Bilang 27:12-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Umakyat ka sa Bundok ng Abarim at tanawin mo ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita. Pagkatapos, mamamatay ka na. Makakapiling mo na ang iyong mga yumaong magulang, tulad ng nangyari kay Aaron na iyong kapatid. Sumuway ka rin sa akin sa ilang ng Zin nang maghimagsik sa akin ang buong sambayanan doon sa Meriba. Hindi mo pinakita sa mga Israelita doon sa may bukal na ako ay banal.” (Ito ang bukal doon sa Meriba sa Kades na nasa ilang ng Zin.) Sinabi ni Moises, “Hinihiling ko, Yahweh, Diyos na bukal ng buhay, na pumili kayo ng isang taong mangunguna sa Israel upang ang iyong sambayanan ay hindi matulad sa mga tupang walang pastol.” Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun; siya ay may natatanging kakayahan. Ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay. Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong Israel at doo'y ipahayag mo siya bilang iyong kahalili. Bigyan mo siya ng iyong kapangyarihan upang sundin siya ng buong Israel. Kay Eleazar niya malalaman sa pamamagitan ng Urim kung ano ang aking kalooban. Kung ano ang sabihin ni Eleazar ay susundin ng buong kapulungan.” Sinunod ni Moises ang lahat ng sinabi ni Yahweh. Ipinatawag nga niya si Josue, pinatayo sa harapan ni Eleazar at ng buong bayan. Pagkatapos, ipinatong niya rito ang kanyang mga kamay at ipinahayag na kahalili niya.
Mga Bilang 27:12-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Umakyat ka sa kabundukan ng Abarim at tingnan mo roon ang lupaing ibinigay ko sa mga Israelita. Pagkatapos mong makita ito, sasama ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno, tulad ng kapatid mong si Aaron. Dahil noong nagrebelde ang mga Israelita sa akin doon sa bukal ng ilang ng Zin, sinuway ninyo ni Aaron ang aking utos na ipakita ang aking kabanalan sa mga mamamayan.” (Ang bukal na ito ay ang Meriba na nasa Kadesh sa ilang ng Zin.) Sinabi ni Moises sa PANGINOON, “O PANGINOON, Dios na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, pumili po sana kayo ng isang tao na mamumuno sa mga mamamayang ito at mangunguna sa kanila sa labanan, upang ang inyong mga mamamayan ay hindi maging tulad ng mga tupang walang tagapagbantay.” Kaya sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Ipatawag si Josue na anak ni Nun, na puspos ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanyang ulo. Patayuin siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan, at ipaalam mo sa kanila na pinili mo siya para pumalit sa iyo. Ibigay mo sa kanya ang iba mong kapangyarihan upang sundin siya ng buong mamamayan ng Israel. Kay Eleazar niya malalaman ang aking pasya sa pamamagitan ng paggamit ni Eleazar ng ‘Urim’ sa aking presensya. Sa pamamagitan nito, masusubaybayan ni Eleazar si Josue at ang lahat ng mga Israelita sa kanilang gagawin.” Kaya ginawa ni Moises ang iniutos sa kanya ng PANGINOON. Ipinatawag niya si Josue at pinatayo sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan. At ayon sa iniutos sa kanya ng PANGINOON, ipinatong niya ang kanyang kamay kay Josue at ipinahayag na si Josue ang papalit sa kanya.
Mga Bilang 27:12-23 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, at tanawin mo ang lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel. At pagkakita mo niyaon ay malalakip ka rin naman sa iyong bayan, na gaya ng pagkalakip ni Aaron na iyong kapatid: Sapagka't kayo'y nanghimagsik laban sa aking salita sa ilang ng Zin, sa pakikipagtalo ng kapisanan, na ipakilala ninyong banal ako sa harap ng mga mata nila sa tubig. (Ito ang tubig ng Meriba sa Cades sa ilang ng Zin.) At sinalita ni Moises sa Panginoon, na sinasabi, Maghalal ang Panginoon, ang Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, ng isang lalake sa kapisanan, Na makalalabas sa harap nila, at makapapasok sa harap nila, at makapaglalabas sa kanila, at makapagpapasok sa kanila; upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag maging parang mga tupa na walang pastor. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan; at pagbilinan mo siya sa kanilang paningin. At lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang sundin siya ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel. At siya'y tatayo sa harap ni Eleazar na saserdote, na siyang maguusisa tungkol sa kaniya, ng hatol ng Urim sa harap ng Panginoon: sa kaniyang salita, ay lalabas sila, at sa kaniyang salita, ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan. At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya: at kaniyang ipinagsama si Josue, at kaniyang iniharap kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan: At kaniyang ipinatong ang mga kamay niya sa kaniya, at pinagbilinan niya siya, gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
Mga Bilang 27:12-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Umakyat ka sa Bundok ng Abarim at tanawin mo ang lupaing ibibigay ko sa mga Israelita. Pagkatapos, mamamatay ka na. Makakapiling mo na ang iyong mga yumaong magulang, tulad ng nangyari kay Aaron na iyong kapatid. Sumuway ka rin sa akin sa ilang ng Zin nang maghimagsik sa akin ang buong sambayanan doon sa Meriba. Hindi mo pinakita sa mga Israelita doon sa may bukal na ako ay banal.” (Ito ang bukal doon sa Meriba sa Kades na nasa ilang ng Zin.) Sinabi ni Moises, “Hinihiling ko, Yahweh, Diyos na bukal ng buhay, na pumili kayo ng isang taong mangunguna sa Israel upang ang iyong sambayanan ay hindi matulad sa mga tupang walang pastol.” Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun; siya ay may natatanging kakayahan. Ipatong mo sa kanya ang iyong mga kamay. Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong Israel at doo'y ipahayag mo siya bilang iyong kahalili. Bigyan mo siya ng iyong kapangyarihan upang sundin siya ng buong Israel. Kay Eleazar niya malalaman sa pamamagitan ng Urim kung ano ang aking kalooban. Kung ano ang sabihin ni Eleazar ay susundin ng buong kapulungan.” Sinunod ni Moises ang lahat ng sinabi ni Yahweh. Ipinatawag nga niya si Josue, pinatayo sa harapan ni Eleazar at ng buong bayan. Pagkatapos, ipinatong niya rito ang kanyang mga kamay at ipinahayag na kahalili niya.
Mga Bilang 27:12-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)