Mga Bilang 21:16-18
Mga Bilang 21:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula sa Arnon, nagpatuloy sila hanggang sa lugar na tinatawag na Balon. Ang lugar na ito'y tinawag na Balon sapagkat dito sila pinahukay ni Yahweh ng balon para makunan ng tubig. Umawit sila roon ng ganito: “Bumukal ka ng tubig, O balon at sa iyo'y awit ang aming tugon, mga pinuno ang humukay sa iyo na ang gamit ay tungkod at setro.” Mula sa ilang na iyon ay nagtuloy sila sa Matana
Mga Bilang 21:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula roon sa Arnon, nagpatuloy ang mga Israelita sa Beer, ang balon na kung saan sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Tipunin ninyo ang mga tao at bibigyan ko sila ng tubig.” At doon umawit ang mga Israelita ng awit na ito: Patuloy na magbibigay ng tubig ang balong ito! Aawit tayo tungkol sa balong ito na ipinahukay ng mga pinuno at mararangal na tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan. Mula sa disyerto nagpunta sila sa Matana
Mga Bilang 21:16-18 Ang Biblia (TLAB)
At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig. Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito: Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya; Siyang balong hinukay ng mga prinsipe, Na pinalalim ng mga mahal sa bayan, Ng setro at ng kanilang mga tungkod. At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana.
Mga Bilang 21:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula sa Arnon, nagpatuloy sila hanggang sa lugar na tinatawag na Balon. Ang lugar na ito'y tinawag na Balon sapagkat dito sila pinahukay ni Yahweh ng balon para makunan ng tubig. Umawit sila roon ng ganito: “Bumukal ka ng tubig, O balon at sa iyo'y awit ang aming tugon, mga pinuno ang humukay sa iyo na ang gamit ay tungkod at setro.” Mula sa ilang na iyon ay nagtuloy sila sa Matana
Mga Bilang 21:16-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)