Nehemias 9:6
Nehemias 9:6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito: “Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon; ikaw ang lumikha ng kalangitan at ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit, ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito; ang dagat at ang lahat ng naroroon. Binibigyang buhay mo sila, at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.
Nehemias 9:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ikaw lang po ang PANGINOON. Ginawa nʼyo ang kalangitan, ang lupa, ang dagat, at ang lahat ng mga naroroon. Binigyan nʼyo po ng buhay ang lahat ng inyong nilikha, at sinasamba kayo ng mga anghel sa langit.
Nehemias 9:6 Ang Biblia (TLAB)
Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.
Nehemias 9:6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At ang lahat ay sama-samang nanalangin ng ganito: “Yahweh, ikaw lamang ang Panginoon; ikaw ang lumikha ng kalangitan at ginawa mo ang lupa, ang langit ng mga langit, ang lahat ng bituin doon, at lahat ng narito; ang dagat at ang lahat ng naroroon. Binibigyang buhay mo sila, at ika'y sinasamba ng buong kalangitan.
Nehemias 9:6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)