Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nehemias 6:1-15

Nehemias 6:1-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Nabalitaan nina Sanbalat, Tobias at ni Gesem na taga-Arabia, pati ng iba naming mga kaaway, na naitayo ko na ang pader at wala na itong butas bagaman hindi ko pa nailalagay ang mga pinto nito. Inanyayahan ako nina Sanbalat at Gesem na makipag-usap sa kanila sa isang nayon sa Kapatagan ng Ono. Alam kong may masama silang balak sa akin. Kaya't nagpadala ako ng mga sugo para sabihin sa kanila, “Mahalaga ang aking ginagawa rito kaya hindi ako makakapunta riyan. Hindi ko maaaring ipatigil ang trabaho rito para makipagkita lamang sa inyo.” Apat na beses nila akong inanyayahan at apat na beses ko rin silang tinanggihan. Sa ikalimang pagkakataon ay inanyayahan akong muli ni Sanbalat sa pamamagitan ng isang bukás na liham na ganito ang mensahe: “Balitang-balita sa iba't ibang bansa at pinapatunayan ni Gesem na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak maghimagsik, kaya itinatayo mong muli ang pader. May balita pang gusto mong maging hari. Sinasabi pang may mga propeta kang inutusan upang ipahayag sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na alam na ito ng hari, kaya pumarito ka agad at pag-usapan natin ang bagay na ito.” Ito naman ang sagot ko, “Walang katotohanan ang mga pinagsasasabi mo. Gawa-gawa mo lamang ang mga iyan.” Tinatakot nila kami upang itigil ang gawain. Nanalangin ako, “O Diyos, palakasin po ninyo ako.” Minsan ay dinalaw ko si Semaya na anak ni Delaias at apo ni Mehetabel, sapagkat hindi siya makaalis sa kanyang bahay. Sinabi niya sa akin, “Halika. Pumunta tayo doon sa Templo, sa tahanan ng Diyos, at doon ka magtago. Sapagkat anumang oras ngayong gabi ay papatayin ka nila.” Ngunit sumagot ako, “Hindi ako ang lalaking tumatakbo o nagtatago! Akala mo ba'y magtatago ako sa Templo para iligtas ang aking sarili? Hindi ko gagawin iyon.” Napag-isip-isip kong hindi isinugo ng Diyos si Semaya. Binayaran lamang siya nina Sanbalat at Tobias upang ako'y bigyan niya ng babala. Sinuhulan lamang nila siya upang takutin ako at itulak sa pagkakasala. Sa ganoong paraan, masisira nila ang aking pangalan at ilagay ako sa kahihiyan. Nanalangin ako, “O Diyos, parusahan po ninyo sina Tobias at Sanbalat sa ginawa nila sa akin. Gayundin po ang gawin ninyo kay Noadias, ang babaing propeta at iba pang mga propeta na nagtangkang takutin ako.” Pagkaraan ng limampu't dalawang araw na paggawa, natapos ang pader noong ikadalawampu't limang araw ng ikaanim na buwan.

Nehemias 6:1-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

Samantala, nabalitaan nina Sanbalat, Tobia, Geshem na taga-Arabia, at ng iba pa naming mga kalaban na natapos na namin ang pagpapatayo ng pader at wala na itong mga butas, maliban na lamang sa mga pinto nito na hindi pa naikakabit. Kaya nagpadala sina Sanbalat at Geshem ng ganitong mensahe sa akin: “Gusto naming makipagkita sa iyo sa isang nayon ng kapatagan ng Ono.” Ngunit nalaman ko na may balak silang masama sa akin. Kaya nagsugo ako ng mga mensahero para sabihin ito sa kanila, “Mahalaga ang ginagawa ko ngayon, kaya hindi ako makakapunta riyan. Hindi ko maaaring itigil ang paggawa para lang pumunta riyan.” Apat na beses nila akong pinadalhan ng ganoong mensahe at apat na beses ko rin silang pinadalhan ng parehong sagot. Sa panglimang beses pinapunta ni Sanbalat sa akin ang alipin niya na may dalang sulat na nakabukas na. At ito ang nakasulat: “Ipinagtapat sa akin ni Geshem na kahit saan siya pumunta ay naririnig niyang ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak mag-alsa, at iyan ang dahilan kung bakit muli ninyong ipinapatayo ang pader. At ayon sa narinig niya, gusto mong maging hari ng mga Judio, at pumili ka pa ng mga propeta na magpoproklama sa iyo sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na malalaman ito ng hari, kaya pumarito ka para pag-usapan natin ang mga bagay na ito.” Ito ang sagot ko sa kanya: “Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Gawa-gawa mo lang iyan.” Alam kong tinatakot lang nila kami para mahinto ang paggawa namin. Pero nanalangin ako sa Dios na palakasin pa niya ako. Isang araw, pumunta ako kay Shemaya na anak ni Delaya at apo ni Mehetabel, dahil hindi siya makaalis sa bahay niya. Sinabi niya sa akin, “Magkita tayo sa loob ng templo ng Dios, at ikandado natin ang mga pintuan. Dahil darating ang mga kalaban mo ngayong gabi para patayin ka.” Ngunit sumagot ako, “Gobernador ako, bakit ako lalayo at magtatago sa loob ng templo para iligtas ang buhay ko? Hindi ako magtatago!” Naisip kong hindi nangusap ang Dios sa kanya, kundi inupahan lamang siya nina Sanbalat at Tobia para sabihin iyon sa akin. Gusto lamang nila akong takutin at magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ni Shemaya, para hamakin nila ako at pintasan ng mga tao. Kaya nanalangin ako, “O aking Dios, huwag nʼyo pong kalimutan na parusahan si Tobia at si Sanbalat sa kanilang masamang ginawa, pati na ang babaeng propeta na si Noadias at ang iba pang mga propeta na naghahangad na takutin ako.” Natapos ang pader noong ika-25 araw ng ikaanim na buwan, na siyang buwan ng Elul. Natapos ito sa loob ng 52 araw.

Nehemias 6:1-15 Ang Biblia (TLAB)

Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan;) Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng Ono. Nguni't pinagisipan nila akong gawan ng masama. At ako'y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako'y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa't hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo? At sila'y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan. Nang magkagayo'y sinugo ni Sanballat ang kaniyang lingkod sa akin ng gaya ng paraan ng ikalima na may bukas na sulat sa kaniyang kamay. Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito. At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nangagsasabi, May isang hari sa Juda; at ngayo'y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito. Parito ka nga ngayon, at magsanggunian tayo. Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso. Sapagka't ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa't hindi mayayari. Nguni't ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay. At ako'y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na nakulong; at kaniyang sinabi, Tayo'y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios, sa loob ng templo, at ating isara ang mga pinto ng templo: sapagka't sila'y magsisiparito upang patayin ka; oo, sa kinagabiha'y magsisiparito sila upang patayin ka. At aking sinabi, Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? at sino kaya; na sa paraang gaya ko, ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay? hindi ako papasok. At nahalata ko, at, narito, hindi siya sinugo ng Dios; kundi kaniyang sinaysay ang hulang ito laban sa akin: at inupahan siya ni Tobias, at ni Sanballat. Dahil sa bagay na ito inupahan siya, upang ako'y matakot, at gumawa ng gayon, at magkasala, at upang sila'y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig, upang kanilang madusta ako. Alalahanin mo, Oh aking Dios, si Tobias at si Sanballat ayon sa ganitong mga gawa nila, at gayon din ang propetisa na Noadias, at ang nalabi sa mga propeta, na ibig nilang sidlan ako ng katakutan. Sa gayo'y natapos ang kuta sa ikadalawang pu't limang araw ng buwan ng Elul, sa limang pu't dalawang araw.

Nehemias 6:1-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Nabalitaan nina Sanbalat, Tobias at ni Gesem na taga-Arabia, pati ng iba naming mga kaaway, na naitayo ko na ang pader at wala na itong butas bagaman hindi ko pa nailalagay ang mga pinto nito. Inanyayahan ako nina Sanbalat at Gesem na makipag-usap sa kanila sa isang nayon sa Kapatagan ng Ono. Alam kong may masama silang balak sa akin. Kaya't nagpadala ako ng mga sugo para sabihin sa kanila, “Mahalaga ang aking ginagawa rito kaya hindi ako makakapunta riyan. Hindi ko maaaring ipatigil ang trabaho rito para makipagkita lamang sa inyo.” Apat na beses nila akong inanyayahan at apat na beses ko rin silang tinanggihan. Sa ikalimang pagkakataon ay inanyayahan akong muli ni Sanbalat sa pamamagitan ng isang bukás na liham na ganito ang mensahe: “Balitang-balita sa iba't ibang bansa at pinapatunayan ni Gesem na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak maghimagsik, kaya itinatayo mong muli ang pader. May balita pang gusto mong maging hari. Sinasabi pang may mga propeta kang inutusan upang ipahayag sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na alam na ito ng hari, kaya pumarito ka agad at pag-usapan natin ang bagay na ito.” Ito naman ang sagot ko, “Walang katotohanan ang mga pinagsasasabi mo. Gawa-gawa mo lamang ang mga iyan.” Tinatakot nila kami upang itigil ang gawain. Nanalangin ako, “O Diyos, palakasin po ninyo ako.” Minsan ay dinalaw ko si Semaya na anak ni Delaias at apo ni Mehetabel, sapagkat hindi siya makaalis sa kanyang bahay. Sinabi niya sa akin, “Halika. Pumunta tayo doon sa Templo, sa tahanan ng Diyos, at doon ka magtago. Sapagkat anumang oras ngayong gabi ay papatayin ka nila.” Ngunit sumagot ako, “Hindi ako ang lalaking tumatakbo o nagtatago! Akala mo ba'y magtatago ako sa Templo para iligtas ang aking sarili? Hindi ko gagawin iyon.” Napag-isip-isip kong hindi isinugo ng Diyos si Semaya. Binayaran lamang siya nina Sanbalat at Tobias upang ako'y bigyan niya ng babala. Sinuhulan lamang nila siya upang takutin ako at itulak sa pagkakasala. Sa ganoong paraan, masisira nila ang aking pangalan at ilagay ako sa kahihiyan. Nanalangin ako, “O Diyos, parusahan po ninyo sina Tobias at Sanbalat sa ginawa nila sa akin. Gayundin po ang gawin ninyo kay Noadias, ang babaing propeta at iba pang mga propeta na nagtangkang takutin ako.” Pagkaraan ng limampu't dalawang araw na paggawa, natapos ang pader noong ikadalawampu't limang araw ng ikaanim na buwan.

Nehemias 6:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan;) Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng Ono. Nguni't pinagisipan nila akong gawan ng masama. At ako'y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako'y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa't hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo? At sila'y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan. Nang magkagayo'y sinugo ni Sanballat ang kaniyang lingkod sa akin ng gaya ng paraan ng ikalima na may bukas na sulat sa kaniyang kamay. Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito. At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nangagsasabi, May isang hari sa Juda; at ngayo'y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito. Parito ka nga ngayon, at magsanggunian tayo. Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso. Sapagka't ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa't hindi mayayari. Nguni't ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay. At ako'y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na nakulong; at kaniyang sinabi, Tayo'y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios, sa loob ng templo, at ating isara ang mga pinto ng templo: sapagka't sila'y magsisiparito upang patayin ka; oo, sa kinagabiha'y magsisiparito sila upang patayin ka. At aking sinabi, Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? at sino kaya; na sa paraang gaya ko, ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay? hindi ako papasok. At nahalata ko, at, narito, hindi siya sinugo ng Dios; kundi kaniyang sinaysay ang hulang ito laban sa akin: at inupahan siya ni Tobias, at ni Sanballat. Dahil sa bagay na ito inupahan siya, upang ako'y matakot, at gumawa ng gayon, at magkasala, at upang sila'y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig, upang kanilang madusta ako. Alalahanin mo, Oh aking Dios, si Tobias at si Sanballat ayon sa ganitong mga gawa nila, at gayon din ang propetisa na Noadias, at ang nalabi sa mga propeta, na ibig nilang sidlan ako ng katakutan. Sa gayo'y natapos ang kuta sa ikadalawang pu't limang araw ng buwan ng Elul, sa limang pu't dalawang araw.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya