Nehemias 2:3
Nehemias 2:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Natakot ako kaya sinabi ko sa hari, “Nawa'y ingatan kayo ng Diyos, habang panahon! Nalulungkot po ako sapagkat ang lunsod na pinaglibingan sa aking mga ninuno ay wasak at ang mga pintuan niyon ay natupok ng apoy.”
Ibahagi
Basahin Nehemias 2Nehemias 2:3 Ang Salita ng Dios (ASND)
pero sumagot ako sa hari, “Humaba po nawa ang buhay ng Mahal na Hari! Nalulungkot po ako dahil ang lungsod na pinaglibingan ng aking mga ninuno ay nagiba at ang mga pintuan nito ay nasunog.”
Ibahagi
Basahin Nehemias 2Nehemias 2:3 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ko sa hari, Mabuhay ang hari magpakailan man: bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy?
Ibahagi
Basahin Nehemias 2