Nehemias 2:11-16
Nehemias 2:11-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dumating ako sa Jerusalem. Tatlong araw na ako roon ay hindi ko pa ipinaalam kaninuman ang ipinagagawa sa akin ng Diyos tungkol sa Jerusalem. Sa gabi nang ikatlong araw, gumising ako at lumabas ng lunsod na may ilang kasama. Ang tanging hayop na dinala namin ay ang asnong aking sinasakyan. Lumabas ako sa Pintuan ng Libis sa daang patungo sa Bukal ng Dragon hanggang sa pintuang papunta sa tapunan ng basura. Sinuri kong mabuti ang giba-gibang pader ng Jerusalem at ang mga nasunog nitong pintuan. Nagpatuloy ako sa Pintuang Bukal hanggang sa Paliguan ng Hari. Pagdating doon, walang madaanan ang sinasakyan kong asno. Kaya't naglakad ako patungong Libis at siniyasat ko ang pader. Pagkatapos ay muli akong pumasok sa Pintuan ng Libis pabalik. Hindi alam ng mga pinuno kung saan ako nanggaling at kung ano ang aking ginawa. Wala pa rin akong sinasabi sa mga Judio—sa mga pari, mga pinuno, mga opisyal, at sa iba pang magkakaroon ng bahagi sa gawain.
Nehemias 2:11-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkalipas ng tatlong araw mula nang dumating ako sa Jerusalem, umalis ako nang hatinggabi na may ilang kasama. Hindi ko sinabi kahit kanino ang gustong ipagawa sa akin ng Dios tungkol sa Jerusalem. Wala kaming dalang ibang hayop maliban sa sinasakyan kong asno. Lumabas kami sa pintuang nakaharap sa lambak at pumunta sa Balon ng Dragon hanggang sa may pintuan ng pinagtatapunan ng basura. Pinagmasdan kong mabuti ang mga nagibang pader ng Jerusalem at ang mga pintuan nitong nasunog. Nagpatuloy ako sa Pintuan ng Bukal hanggang sa paliguan ng hari, pero hindi makaraan doon ang asno ko. Kaya tumuloy na lang ako sa Lambak ng Kidron, at siniyasat ang mga pader nang gabing iyon. Pagkatapos, bumalik ako at muling dumaan sa pintuang nakaharap sa lambak. Hindi alam ng mga opisyal ng lungsod kung saan ako nanggaling at kung ano ang ginawa ko. Sapagkat wala pa akong pinagsabihang Judio tungkol sa balak ko, kahit ang mga pari, mga pinuno, mga opisyal, at ang iba pang nasa pamahalaan.
Nehemias 2:11-16 Ang Biblia (TLAB)
Sa gayo'y naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw. At ako'y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan. At ako'y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy. Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko. Nang magkagayo'y namaybay ako ng kinagabihan sa batis, at aking minasdan ang kuta; at ako'y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo'y pumihit ako. At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.
Nehemias 2:11-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dumating ako sa Jerusalem. Tatlong araw na ako roon ay hindi ko pa ipinaalam kaninuman ang ipinagagawa sa akin ng Diyos tungkol sa Jerusalem. Sa gabi nang ikatlong araw, gumising ako at lumabas ng lunsod na may ilang kasama. Ang tanging hayop na dinala namin ay ang asnong aking sinasakyan. Lumabas ako sa Pintuan ng Libis sa daang patungo sa Bukal ng Dragon hanggang sa pintuang papunta sa tapunan ng basura. Sinuri kong mabuti ang giba-gibang pader ng Jerusalem at ang mga nasunog nitong pintuan. Nagpatuloy ako sa Pintuang Bukal hanggang sa Paliguan ng Hari. Pagdating doon, walang madaanan ang sinasakyan kong asno. Kaya't naglakad ako patungong Libis at siniyasat ko ang pader. Pagkatapos ay muli akong pumasok sa Pintuan ng Libis pabalik. Hindi alam ng mga pinuno kung saan ako nanggaling at kung ano ang aking ginawa. Wala pa rin akong sinasabi sa mga Judio—sa mga pari, mga pinuno, mga opisyal, at sa iba pang magkakaroon ng bahagi sa gawain.
Nehemias 2:11-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)