Nehemias 2:11-12
Nehemias 2:11-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkalipas ng tatlong araw mula nang dumating ako sa Jerusalem, umalis ako nang hatinggabi na may ilang kasama. Hindi ko sinabi kahit kanino ang gustong ipagawa sa akin ng Dios tungkol sa Jerusalem. Wala kaming dalang ibang hayop maliban sa sinasakyan kong asno.
Nehemias 2:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dumating ako sa Jerusalem. Tatlong araw na ako roon ay hindi ko pa ipinaalam kaninuman ang ipinagagawa sa akin ng Diyos tungkol sa Jerusalem. Sa gabi nang ikatlong araw, gumising ako at lumabas ng lunsod na may ilang kasama. Ang tanging hayop na dinala namin ay ang asnong aking sinasakyan.
Nehemias 2:11-12 Ang Biblia (TLAB)
Sa gayo'y naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw. At ako'y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan.
Nehemias 2:11-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dumating ako sa Jerusalem. Tatlong araw na ako roon ay hindi ko pa ipinaalam kaninuman ang ipinagagawa sa akin ng Diyos tungkol sa Jerusalem. Sa gabi nang ikatlong araw, gumising ako at lumabas ng lunsod na may ilang kasama. Ang tanging hayop na dinala namin ay ang asnong aking sinasakyan.
Nehemias 2:11-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)