Marcos 3:13-14
Marcos 3:13-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos nito, umakyat si Jesus sa bundok kasama ang mga taong pinili niya at sumunod sa kanya. Buhat sa mga taong iyon ay pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. Hinirang niya ang mga ito upang maging kasa-kasama niya at upang suguing mangaral.
Marcos 3:13-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, umakyat si Jesus sa bundok at tinawag niya ang mga taong nais niyang piliin. At lumapit sila sa kanya. Pumili siya ng 12 [na tinawag niyang mga apostol] upang makasama niya at suguing mangaral.
Marcos 3:13-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At siya'y umahon sa bundok, at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya. At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral
Marcos 3:13-14 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y umahon sa bundok, at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya. At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral
Marcos 3:13-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)