Marcos 16:2-4
Marcos 16:2-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang araw ng Linggo, kasisikat pa lang ng araw ay pumunta na sila sa libingan. Habang naglalakad sila, nagtatanungan sila kung sino ang mapapakiusapan nilang magpagulong ng bato na nakatakip sa pintuan ng libingan, dahil napakalaki ng batong iyon. Pero pagdating nila roon, nakita nilang naigulong na sa tabi ang bato.
Marcos 16:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw. At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan? At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.
Marcos 16:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kinaumagahan ng Linggo, sa pagsikat ng araw, sila'y nagpunta sa libingan. Ngunit sila ay nagtatanungan sa isa't isa, “Sino kaya ang maaari nating mapakiusapang maggulong ng batong nakatakip sa pintuan ng libingan?” Nasabi nila iyon dahil napakalaki ng bato. Ngunit nang matanaw nila ito, nakita nilang naigulong na ang bato.
Marcos 16:2-4 Ang Biblia (TLAB)
At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw. At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan? At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.
Marcos 16:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)