Marcos 15:16-20
Marcos 15:16-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dinala ng mga kawal si Jesus sa bakuran ng palasyo ng gobernador, at kanilang tinipon doon ang buong batalyon. Sinuotan nila si Jesus ng balabal na kulay ube. Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa iyong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, sila'y pakutyang nagpugay at bumati sa kanya, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” Siya'y pinaghahampas sa ulo, pinagduduraan at pakutyang niluhud-luhuran. Matapos kutyain, siya'y hinubaran nila ng balabal na kulay ube, sinuotan ng sarili niyang damit, at inilabas upang ipako sa krus.
Marcos 15:16-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dinala ng mga sundalo si Jesus sa loob ng palasyo ng gobernador at tinipon nila roon ang buong batalyon ng mga sundalo. Sinuotan nila si Jesus ng kapa na kulay ube at gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pakutya silang nagsisigaw, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” At paulit-ulit nilang pinaghahampas ng tungkod ang kanyang ulo, at pinagduduraan nila siya. Lumuluhod sila sa kanya na kunwari ay sumasamba sa kanya. Matapos nilang kutyain si Jesus, hinubad nila ang kulay ubeng kapa at ipinasuot ang kanyang damit. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod upang ipako sa krus.
Marcos 15:16-20 Ang Biblia (TLAB)
At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong. At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya. At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio! At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba. At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus.
Marcos 15:16-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dinala ng mga kawal si Jesus sa bakuran ng palasyo ng gobernador, at kanilang tinipon doon ang buong batalyon. Sinuotan nila si Jesus ng balabal na kulay ube. Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa iyong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, sila'y pakutyang nagpugay at bumati sa kanya, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” Siya'y pinaghahampas sa ulo, pinagduduraan at pakutyang niluhud-luhuran. Matapos kutyain, siya'y hinubaran nila ng balabal na kulay ube, sinuotan ng sarili niyang damit, at inilabas upang ipako sa krus.
Marcos 15:16-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)