Marcos 13:9-13
Marcos 13:9-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Mag-ingat kayo! Sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin sa mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa inyong pagsunod sa akin, upang magpatotoo sa kanila. Ngunit dapat munang maipangaral sa lahat ng bansa ang Magandang Balita bago dumating ang wakas. Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo. Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak, at lalabanan naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.”
Marcos 13:9-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Mag-ingat kayo dahil dadakpin kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin kayo sa sambahan ng mga Judio. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Magiging pagkakataon nʼyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin. Dapat munang maipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng bansa, bago dumating ang katapusan. Kapag dinakip kayo at iniharap sa hukuman, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo. Bastaʼt sabihin ninyo ang ipinapasabi ng Banal na Espiritu sa oras na iyon. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ninyo. Sa panahong iyon, may mga taong ipagkakanulo ang kanilang kapatid para patayin. Ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak, at ang mga anak sa kanilang mga magulang. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.”
Marcos 13:9-13 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila. At sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio. At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo. At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
Marcos 13:9-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Mag-ingat kayo! Sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin sa mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa inyong pagsunod sa akin, upang magpatotoo sa kanila. Ngunit dapat munang maipangaral sa lahat ng bansa ang Magandang Balita bago dumating ang wakas. Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo. Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak, at lalabanan naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.”
Marcos 13:9-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)