Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mikas 1:8-16

Mikas 1:8-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Dahil dito'y mamimighati ako at tatangis. Lalakad akong hubad at nakayapak. Mananaghoy akong gaya ng mga asong-gubat, at mananangis na tulad ng mga kuwago. Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling. Ito rin ay kakalat sa buong Juda; papasok sa pinto ng Jerusalem na tirahan ng aking bayang pinili. Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo. Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis. Sa bayan ng Afra kayo maglupasay. Mga taga-Safir, magpabihag kayo, at hayaan ninyong kayo'y itapong nakahubad at kahiya-hiya ang kalagayan. Mga taga-Zaanan, huwag kayong umalis sa inyong lunsod. Sa pamimighati ng Bethezel, malalaman ninyong hindi na ito maaaring pagkanlungan. Ang mga taga-Marot ay nababalisang hinihintay ang saklolo, sapagkat malapit na sa Jerusalem ang kapahamakang ipinadala ni Yahweh. Kayong mga taga-Laquis, isingkaw ninyo sa mga karwahe ang mabibilis na kabayo. Sapagkat tinularan ninyo ang mga kasalanan ng Israel, at kayo ang nag-akay upang magkasala ang Jerusalem. At ngayon, mga taga-Juda, magpaalam na kayo sa bayan ng Moreset-Gat. Walang maaasahang tulong ang mga hari ng Israel mula sa bayan ng Aczib. Mga taga-Maresa, ipapasakop kayo ni Yahweh sa inyong kaaway. Ang mga pinuno ng Israel ay tatakas at magtatayo sa yungib ng Adullam. Mga taga-Juda, gupitin ninyo ang inyong buhok bilang pagluluksa sa mga anak ninyong minamahal. Ahitan ninyo ang inyong mga ulo gaya ng mga agila, sapagkat ang mga anak ninyo'y inagaw at dinalang-bihag.

Mikas 1:8-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

Sinabi pa ni Micas: Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at magdadalamhati. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad para ipakita ang aking kalungkutan. Iiyak ako nang malakas na parang asong-gubat at tulad ng paghuni ng kuwago. Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari rin ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod ng aking mga kababayan. Mga taga-Juda, huwag ninyong ibalita sa ating mga kalaban na mga taga-Gat ang tungkol sa darating na kapahamakan sa atin. Huwag ninyong ipapakita na umiiyak kayo. Doon ninyo ipakita sa bayan ng Bet Leafra ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng paggulong sa lupa. Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan para tulungan kayo. Ang mga taga-Bet Ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak sa kapahamakang dumating sa kanila. Ang totoo, ang mga taga-Marot ay matiyagang naghihintay sa pagtigil ng digmaan. Pero mabibigo sila dahil niloob ng PANGINOON na makarating ang mga kalaban sa pintuan ng Jerusalem. Mga mamamayan ng Lakish, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion. Kayong mga taga-Juda, magpaalam na kayo sa bayan ng Moreshet Gat dahil sasakupin na rin iyan ng mga kalaban. Sasakupin din ang bayan ng Aczib, kaya wala nang maaasahang tulong ang inyong mga hari mula sa bayang iyon. Kayong mga mamamayan ng Maresha, padadalhan kayo ng PANGINOON ng kalaban na sasakop sa inyo. Mga taga-Juda, ang inyong mga pinuno ay magtatago sa kweba ng Adulam. Kukunin sa inyo ang pinakamamahal ninyong mga anak at dadalhin sa ibang bayan, kaya magluluksa kayo para sa kanila at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakalbo na parang ulo ng agila.

Mikas 1:8-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Dahil dito'y mamimighati ako at tatangis. Lalakad akong hubad at nakayapak. Mananaghoy akong gaya ng mga asong-gubat, at mananangis na tulad ng mga kuwago. Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling. Ito rin ay kakalat sa buong Juda; papasok sa pinto ng Jerusalem na tirahan ng aking bayang pinili. Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo. Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis. Sa bayan ng Afra kayo maglupasay. Mga taga-Safir, magpabihag kayo, at hayaan ninyong kayo'y itapong nakahubad at kahiya-hiya ang kalagayan. Mga taga-Zaanan, huwag kayong umalis sa inyong lunsod. Sa pamimighati ng Bethezel, malalaman ninyong hindi na ito maaaring pagkanlungan. Ang mga taga-Marot ay nababalisang hinihintay ang saklolo, sapagkat malapit na sa Jerusalem ang kapahamakang ipinadala ni Yahweh. Kayong mga taga-Laquis, isingkaw ninyo sa mga karwahe ang mabibilis na kabayo. Sapagkat tinularan ninyo ang mga kasalanan ng Israel, at kayo ang nag-akay upang magkasala ang Jerusalem. At ngayon, mga taga-Juda, magpaalam na kayo sa bayan ng Moreset-Gat. Walang maaasahang tulong ang mga hari ng Israel mula sa bayan ng Aczib. Mga taga-Maresa, ipapasakop kayo ni Yahweh sa inyong kaaway. Ang mga pinuno ng Israel ay tatakas at magtatayo sa yungib ng Adullam. Mga taga-Juda, gupitin ninyo ang inyong buhok bilang pagluluksa sa mga anak ninyong minamahal. Ahitan ninyo ang inyong mga ulo gaya ng mga agila, sapagkat ang mga anak ninyo'y inagaw at dinalang-bihag.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya