Mikas 1:13-16
Mikas 1:13-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kayong mga taga-Laquis, isingkaw ninyo sa mga karwahe ang mabibilis na kabayo. Sapagkat tinularan ninyo ang mga kasalanan ng Israel, at kayo ang nag-akay upang magkasala ang Jerusalem. At ngayon, mga taga-Juda, magpaalam na kayo sa bayan ng Moreset-Gat. Walang maaasahang tulong ang mga hari ng Israel mula sa bayan ng Aczib. Mga taga-Maresa, ipapasakop kayo ni Yahweh sa inyong kaaway. Ang mga pinuno ng Israel ay tatakas at magtatayo sa yungib ng Adullam. Mga taga-Juda, gupitin ninyo ang inyong buhok bilang pagluluksa sa mga anak ninyong minamahal. Ahitan ninyo ang inyong mga ulo gaya ng mga agila, sapagkat ang mga anak ninyo'y inagaw at dinalang-bihag.
Mikas 1:13-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mga mamamayan ng Lakish, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion. Kayong mga taga-Juda, magpaalam na kayo sa bayan ng Moreshet Gat dahil sasakupin na rin iyan ng mga kalaban. Sasakupin din ang bayan ng Aczib, kaya wala nang maaasahang tulong ang inyong mga hari mula sa bayang iyon. Kayong mga mamamayan ng Maresha, padadalhan kayo ng PANGINOON ng kalaban na sasakop sa inyo. Mga taga-Juda, ang inyong mga pinuno ay magtatago sa kweba ng Adulam. Kukunin sa inyo ang pinakamamahal ninyong mga anak at dadalhin sa ibang bayan, kaya magluluksa kayo para sa kanila at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakalbo na parang ulo ng agila.
Mikas 1:13-16 Ang Biblia (TLAB)
Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo. Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa Moresethgath: ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel. Dadalhin ko pa sa iyo, Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo: ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam. Magpakakalbo ka, at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan: palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila; sapagka't sila'y nangapasa pagkabihag mula sa iyo.
Mikas 1:13-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kayong mga taga-Laquis, isingkaw ninyo sa mga karwahe ang mabibilis na kabayo. Sapagkat tinularan ninyo ang mga kasalanan ng Israel, at kayo ang nag-akay upang magkasala ang Jerusalem. At ngayon, mga taga-Juda, magpaalam na kayo sa bayan ng Moreset-Gat. Walang maaasahang tulong ang mga hari ng Israel mula sa bayan ng Aczib. Mga taga-Maresa, ipapasakop kayo ni Yahweh sa inyong kaaway. Ang mga pinuno ng Israel ay tatakas at magtatayo sa yungib ng Adullam. Mga taga-Juda, gupitin ninyo ang inyong buhok bilang pagluluksa sa mga anak ninyong minamahal. Ahitan ninyo ang inyong mga ulo gaya ng mga agila, sapagkat ang mga anak ninyo'y inagaw at dinalang-bihag.
Mikas 1:13-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)