Mikas 1:1-2
Mikas 1:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Mikas na isang taga-Moreset. Noong panahon ng paghahari sa Juda ni Haring Jotham, Haring Ahaz, at Haring Hezekias, sinabi sa kanya ni Yahweh ang mga pahayag tungkol sa Samaria at sa Jerusalem. Pakinggan ninyo ito, mga bansa, kayong lahat na naninirahan sa buong daigdig. Ang pahayag ng Panginoong Yahweh laban sa inyo ay pakinggan. Siya'y nagsasalita buhat sa kanyang banal na templo.
Mikas 1:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang mensahe ng PANGINOON tungkol sa Samaria at Jerusalem. Ipinahayag niya ito kay Micas na taga-Moreshet noong magkakasunod na naghari sa Juda sina Jotam, Ahaz at Hezekia. Sinabi ni Micas: Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo. Sapagkat sasaksi ang Panginoong DIOS laban sa inyo mula sa kanyang banal na templo.
Mikas 1:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ang Salita ng Panginoon na dumating kay Mikas na Morastita, nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa Samaria at sa Jerusalem. Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.
Mikas 1:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Mikas na isang taga-Moreset. Noong panahon ng paghahari sa Juda ni Haring Jotham, Haring Ahaz, at Haring Hezekias, sinabi sa kanya ni Yahweh ang mga pahayag tungkol sa Samaria at sa Jerusalem. Pakinggan ninyo ito, mga bansa, kayong lahat na naninirahan sa buong daigdig. Ang pahayag ng Panginoong Yahweh laban sa inyo ay pakinggan. Siya'y nagsasalita buhat sa kanyang banal na templo.
Mikas 1:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)