Mateo 8:18-19
Mateo 8:18-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao sa kanyang paligid, inutusan niya ang mga tagasunod niya na tumawid sa kabila ng lawa. May tagapagturo ng Kautusan na lumapit sa kanya at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan.”
Mateo 8:18-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang makita ni Jesus ang mga tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga alagad na maghandang tumawid sa kabilang ibayo. Lumapit sa kanya ang isang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, “Guro, sasama po ako sa inyo saanman kayo pupunta.”
Mateo 8:18-19 Ang Biblia (TLAB)
Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya, ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo. At lumapit ang isang eskriba, at sa kaniya'y nagsabi, Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon.
Mateo 8:18-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)