Mateo 19:25-26
Mateo 19:25-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito kaya't naitanong nila, “Kung gayon, sino po ang maliligtas?” Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”
Mateo 19:25-26 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nabigla ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya nagtanong sila, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?” Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, “Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible.”
Mateo 19:25-26 Ang Biblia (TLAB)
At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas? At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.
Mateo 19:25-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito kaya't naitanong nila, “Kung gayon, sino po ang maliligtas?” Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”
Mateo 19:25-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)