Mateo 13:57-58
Mateo 13:57-58 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At siya'y hindi nila pinaniwalaan. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya roon gumawa ng maraming himala.
Mateo 13:57-58 Ang Salita ng Dios (ASND)
At hindi nila siya pinaniwalaan. Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban lang sa sarili niyang bayan at pamilya.” Kaya hindi gumawa si Jesus ng maraming himala roon dahil sa kawalan nila ng pananampalataya sa kanya.
Mateo 13:57-58 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay. At siya'y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.
Mateo 13:57-58 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
At siya'y hindi nila pinaniwalaan. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya roon gumawa ng maraming himala.
Mateo 13:57-58 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)