Mateo 11:12-14
Mateo 11:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula. At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya'y si Elias na paririto.
Mateo 11:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas. Sapagkat hanggang sa dumating si Juan, ang mga propeta at ang Kautusan ang siyang nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos. Kung naniniwala kayo sa pahayag na ito, si Juan na nga ang Elias na ipinangakong darating.
Mateo 11:12-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula nang mangaral si Juan hanggang ngayon, nagpupumilit ang mga tao na mapabilang sa kaharian ng Dios. Sapagkat bago pa dumating si Juan, ipinahayag na ng lahat ng propeta at ng Kautusan ni Moises ang tungkol sa paghahari ng Dios. At kung naniniwala kayo sa mga pahayag nila, si Juan na nga ang Elias na inaasahan ninyong darating.
Mateo 11:12-14 Ang Biblia (TLAB)
At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula. At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya'y si Elias na paririto.
Mateo 11:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)