Mateo 10:29-31
Mateo 10:29-31 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”
Mateo 10:29-31 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi baʼt napakamura ng halaga ng dalawang maya? Pero wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ayon sa kagustuhan ng inyong Ama. Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.”
Mateo 10:29-31 Ang Biblia (TLAB)
Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama: Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.
Mateo 10:29-31 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”
Mateo 10:29-31 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)