Mateo 1:21-23
Mateo 1:21-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’” (Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”.)
Mateo 1:21-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Manganganak siya ng isang lalaki at papangalanan mo siyang Jesus, dahil ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Magbubuntis ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Emmanuel” (na ang ibig sabihin, “Kasama natin ang Dios”).
Mateo 1:21-23 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
Mateo 1:21-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’” (Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”.)
Mateo 1:21-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)