Lucas 9:51-56
Lucas 9:51-56 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem, At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha: at nagsiyaon sila, at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya'y ipaghanda. At hindi nila siya tinanggap, sapagka't ang mukha niya'y anyong patungo sa Jerusalem. At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at sila'y pugnawin? Datapuwa't, lumingon siya, at sila'y pinagwikaan. At sila'y nagsiparoon sa ibang nayon.
Lucas 9:51-56 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, ipinasya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Pumunta sila sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang patuluyin ng mga Samaritano dahil sa siya'y papunta sa Jerusalem. Nang malaman ito nina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, payag po ba kayong paulanan namin sila ng apoy upang sila'y matupok?” Ngunit bumaling si Jesus sa kanila at sila'y pinagsabihan. At nagpunta sila sa ibang nayon.
Lucas 9:51-56 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang malapit na ang araw para bumalik si Jesus sa langit, nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem. Kaya pinauna niya ang ilang tao sa isang nayon ng mga Samaritano para humanap ng matutuluyan. Pero ayaw siyang tanggapin ng mga taga-roon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem. Nang malaman iyon ng mga tagasunod ni Jesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Jesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?” Pero lumingon si Jesus at pinagsabihan sila. At tumuloy na lang sila sa ibang nayon.
Lucas 9:51-56 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem, At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha: at nagsiyaon sila, at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya'y ipaghanda. At hindi nila siya tinanggap, sapagka't ang mukha niya'y anyong patungo sa Jerusalem. At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at sila'y pugnawin? Datapuwa't, lumingon siya, at sila'y pinagwikaan. At sila'y nagsiparoon sa ibang nayon.
Lucas 9:51-56 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)