Lucas 8:24
Lucas 8:24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, lumulubog na po tayo!” sabi nila. Bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at ang malalakas na alon. Tumahimik naman ang mga ito at bumuti ang panahon.
Lucas 8:24 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nilapitan si Jesus ng mga tagasunod niya at ginising, “Guro! Guro! Lulubog na tayo!” Bumangon si Jesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon.
Lucas 8:24 Ang Biblia (TLAB)
At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon.