Lucas 5:27-28
Lucas 5:27-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang maniningil ng buwis, na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod at naglingkod kay Jesus.
Lucas 5:27-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos noon, umalis si Jesus at nakita niya ang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo siya sa lugar na pinagbabayaran ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Jesus.
Lucas 5:27-28 Ang Biblia (TLAB)
At pagkatapos ng mga bagay na ito, siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya.
Lucas 5:27-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang maniningil ng buwis, na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod at naglingkod kay Jesus.
Lucas 5:27-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)