Lucas 22:63-71
Lucas 22:63-71 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Samantala, si Jesus ay kinukutya at binubugbog ng mga nagbabantay sa kanya. Siya'y piniringan nila at tinatanong, “Hulaan mo nga kung sino ang sumuntok sa iyo!” Marami pang panlalait ang ginawa nila sa kanya. Kinaumagahan ay nagkatipon ang Sanedrin na binubuo ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap sa kanila si Jesus at siya'y kanilang tinanong, “Sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo.” Sumagot si Jesus, “Sabihin ko man sa inyo ay hindi kayo maniniwala. Kung tanungin ko naman kayo, hindi rin kayo sasagot. Ngunit sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ang Anak ng Tao ay uupo sa kanang trono ng Makapangyarihang Diyos.” “Nais mo bang sabihing ikaw ang Anak ng Diyos?” tanong ng lahat. “Kayo na rin ang nagsasabi,” tugon niya. “Hindi na natin kailangan ng mga saksi; tayo na mismo ang nakarinig mula sa sarili niyang bibig!” sabi nila.
Lucas 22:63-71 Ang Salita ng Dios (ASND)
Samantala, kinutya at binugbog si Jesus ng mga nagbabantay sa kanya. Piniringan nila siya at sinuntok, at tinanong, “Hulaan mo, sino ang sumuntok sa iyo?” At marami pa silang sinabing masama laban sa kanya. Kinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Judio, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Jesus sa kanilang korte. Sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Cristo?” Sumagot si Jesus, “Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala. At kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot. Ngunit mula ngayon, ako na Anak ng Tao ay uupo na sa kanan ng makapangyarihang Dios.” “Kung ganoon, ikaw nga ang Anak ng Dios?” sabi nila. Sumagot si Jesus, “Kayo na rin ang nagsabi na ako nga.” Kaya sinabi nila, “Narinig na natin ang sinabi niya, ano pang ebidensya ang kailangan natin?”
Lucas 22:63-71 Ang Biblia (TLAB)
At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay. At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas? At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura. At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi, Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan: At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot. Datapuwa't magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios. At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi na ako nga. At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka't tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig.
Lucas 22:63-71 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Samantala, si Jesus ay kinukutya at binubugbog ng mga nagbabantay sa kanya. Siya'y piniringan nila at tinatanong, “Hulaan mo nga kung sino ang sumuntok sa iyo!” Marami pang panlalait ang ginawa nila sa kanya. Kinaumagahan ay nagkatipon ang Sanedrin na binubuo ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap sa kanila si Jesus at siya'y kanilang tinanong, “Sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo.” Sumagot si Jesus, “Sabihin ko man sa inyo ay hindi kayo maniniwala. Kung tanungin ko naman kayo, hindi rin kayo sasagot. Ngunit sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ang Anak ng Tao ay uupo sa kanang trono ng Makapangyarihang Diyos.” “Nais mo bang sabihing ikaw ang Anak ng Diyos?” tanong ng lahat. “Kayo na rin ang nagsasabi,” tugon niya. “Hindi na natin kailangan ng mga saksi; tayo na mismo ang nakarinig mula sa sarili niyang bibig!” sabi nila.
Lucas 22:63-71 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)