Lucas 22:42-43
Lucas 22:42-43 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” [Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya.
Lucas 22:42-43 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.” [Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya.
Lucas 22:42-43 Ang Biblia (TLAB)
Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo. At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.
Lucas 22:42-43 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)