Lucas 21:9-10
Lucas 21:9-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
At kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa kaagad darating ang katapusan.” Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian.
Lucas 21:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian
Lucas 21:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag kayong mababagabag kung makabalita man kayo ng mga digmaan at mga rebelyon. Dapat munang mangyari ang mga iyon subalit hindi darating kaagad ang wakas.” At sinabi pa niya, “Maglalaban-laban ang mga bansa at magdidigmaan ang mga kaharian.
Lucas 21:9-10 Ang Biblia (TLAB)
At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian
Lucas 21:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)